Lito Bautista, Executive Editor
NARINIG mo na ba kung sa isang segundo lang ay lahat ng nasa loob ng UP Theater sa Diliman, Quezon City ay biglang sisigaw ng “Boo!”?
Puno ng tao ang teatro at kung lahat ay sabay-sabay na sisigaw ng boo (marahil, pati ikaw na nanonood ng Philippine Daily Inquirer 1st Edition The Presidential Debate ay mapapasigaw na rin), baka masaktan ang tenga mo.
Ito ang nangyari nang tanungin si Sen. Jamby Madrigal, kandidato pagka-presidente, kung magkano na ang kilo ng galunggong at itlog na maalat ngayon.
Siyempre, sinagot ni Jamby ang tanong: P60. Nang madinig ni Jamby ang galit at nanunuyang reaksyon ng taong-teatro, na kinabibilangan ng dalawang mayayamang Zobel de Ayala, mga kasapi ng Makati Business Club at managers association (dahil hindi nga iyon ang presyo ng galunggong), nagdahilan siya na hindi siya kumakain ng isda dahil vegetarian siya.
Eh, paano ang itlog na maalat?
“Hindi ako kumakain ng itlog,” sabad ni Jamby.
Puwede? Hindi.
Masarap magluto ang Pranses na asawa ni Jamby at isa sa mga sangkap ng masasarap na putaheng niluluto ng asawa niya ay itlog.
BANDERA, 020810
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.