Claudine pinagmumura ni Julia: Nasaktan ako, kasi parang anak ko na siya

By Julie Bonifacio October 21,2019
share this

Claudine pinagmumura ni Julia: Nasaktan ako, kasi parang anak ko na siya

By Julie Bonifacio October 21,2019
share this

PUNO pa rin ng tensyon sa huling gabi ng burol ng ama nina Claudine, Marjorie at Gretchen Barretto na si Mike Barretto. Ito ang naramdaman namin nu’ng magpunta kami sa last night ng wake nu’ng Friday.

Although, mukhang behave na sila sa last night pero ramdam mo pa rin ang tensiyon. Dapat lang, kahit sa huling gabi man lang ay respetuhin nila ang namayapa nilang ama.

Nu’ng paalis na kami nakasabay namin si Claudine sa restroom. Nagkatsikahan kami saglit sa loob ng CR tungkol sa kaganapan nu’ng second night ng wake

Una naming tanong kay Claudine, if true ba na si Gretchen ang dahilan ng pagtatalo nila ni Marjorie. Tama raw pero bukod doon ikinagalit daw ni Marjorie ang pagdating ng isang staff from an entertainment online news sa wake.

Akala raw ni Marjorie si Claudine ang nagpapunta sa staff doon sa wake at pati na sa ibang taga-media na dumating.

Kaugnay nito, may nag-post din sa Facebook na sinabi diumano ni Marjorie kay Claudine na bakit pa niya pinapunta ang mga patay-gutom na ‘yan. Na maaaring ang tinutukoy ni Marjorie ay ang mga members ng entertainment press.

Tinanong ko rin si Claudine if true ba na dinuru-duro at tinulak-tulak daw siya ni Marjorie kaya na-provoke siya na sampalin ang kapatid? Tumango rin si Claudine sa amin.

Pangatlo, if true rin ba na minura siya ng pamangkin niyang si Julia Barretto ng dalawang beses at ano ang na-feel niya? “Yes. Ang na-feel ko? Nasaktan ako kasi parang anak ko mismo ‘yung gumawa sa akin noon, e,” malungkot na tugon ni Claudine.

Tama naman diyan si Clau. May mga nagme-message rin sa amin after mabalitaan ang ginawa ni Julia at nire-recall ang pagmamahal at tulong na ibinigay ni Clau sa pamilya ni Marjorie at iba pa niyang mga kapatid.

Paglabas ng restroom ay pinuntahan ni Claudine ang bagong dating na kaibigang si Gladys Reyes. Kahit paalis na si Clau, binalikan pa rin niya si Gladys.

At doon nagkatsikahan ang magkaibigan kaya ramdam namin kahit paano nabawasan ng kaunti ang lungkot ni Claudine.

Okey na raw siya pero hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa kanya na patay na ang kanyang ama. At hindi pa rin daw nagpaparamdam ang yumaong ama sa kanya.

Nu’ng tinanggal daw ang tubo sa katawan ni Daddy Mike kinabukasan ay inilipat na sa regular room ang kanyang ama.

“Ginising ako ni Mommy, kasi doon ako natutulog, e. Sabi ni Mommy, ‘Wake up, kasi, I think you’re dad is not doing okey.’ So, ‘yun nga, pagka-gising ko sabi ko, ‘Dad, I love you so much.’

“Tapos sabi niya, ‘I love you so much’ (paos at hirap magsalita habang tumatango ang ulo na sabi ng daddy ni Claudine sa kanya). Tapos, nag-bathroom lang ako. Nag-flatline na siya. Ayaw niyang makita mo na makita siyang ganoon,” kwento ni Claudine.

Siya raw ang huling nakausap ng Daddy niya, “Nandoon ako talaga hanggang sa huli. One day lang ako nag-absent sa kanya. Pero, on-duty ako talaga. Sabi ko doon sa mga anak ko, kailangan ko talagang bantayan ‘yung mga magulang ko. So, balang araw alam nila na dapat ganyan kayo, honor your parents.”

May binilin daw ang daddy niya sa kanya, “Na magbati-bati, siyempre. ‘Yun naman, oo, sinabi ‘yun ng Daddy ko. Sa lahat ng mga makausap niya, kapag tinanong talaga, ‘yun agad ang sinasabi niya. Tapos sabi ko, ‘Dad, ako nang bahala kay Mommy.’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘Dad?’ ‘I want to fly,’ sabi niyang ganoon. Fly. Just go on, fly.

“Nu’ng sinabi niya na parang, it’s okey. It’s okey. Tapos sinabi niya, ‘I see the light.’ Tapos sabi ko, ‘Dad, what?’ ‘Light, light, light,’ guma-ganoon siya. ‘Dad, I opened the light?’ Sabi ko, it’s morning?’ Kasi mga 12 something ‘yun, e. Tapos sabi niya, ‘Mama.’ Ayun, si Mommy na.”

Tinanong daw si Claudine ng Daddy niya about his wish na magkaayus-ayos na silang magkakapatid, “Sabi ko, ‘Daddy, in God’s perfect time.’ Sabi ko, ‘Stop asking God kasi kung hindi rin lang naman mangyayari,’ kaya siguro hindi nangyayari kasi hindi Niya gusto.’ Hindi talaga meant to be.
“Pero ‘yun lang, nakakalungkot. Nasa huli talaga ‘yung pagsisisi talaga. Na you have to leave somebody, sometimes, ‘yung ganoon, ‘di ba? Pero tingnan mo, naayos lahat. So, I’m sure na happy siya,” sabi pa ni Clau.

After ng cremation, plano niya na magpahinga. Baka raw magpunta siya sa Japan. And for her Mommy Inday, siyempre nagpapaka-strong lang ang kanilang ina sa harap nila.

Natanong din namin si Claudine tungkol sa sinabi ni Judy Ann Santos na gusto siyang makasama sa project, “Dream namin ‘yan. Si Gladys talaga ang witness. Gusto niya talaga kami na magsama kasi ano, my God! Si Juday, Juday is Juday. Sabihin ko talaga ‘yun,” sagot ni Claudine.

Say pa niya, “Uy, meron nga dati. May ano, may ready na si Direk Wenn (Deramas) ‘di ba? Cine-movie dapat. Dapat Juday-Ryan, Ako-Raymart, tapos si Gladys at si Chris (Christopher Roxas).”

Siyempre, excited si Claudine na magkaroon sila ng project na magkasama sila ni Juday. Kahit nga raw isang episode lang sa Maalaala Mo Kaya ay wish ni Clau na magkatrabaho sila ni Juday with Gladys.

And of course, looking forward na rin siya sa movie nila ni Piolo Pascual under Star Cinema.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending