Maymay sinagot na nga ba si Edward nang magpakita sa kanila ang Northern lights? | Bandera

Maymay sinagot na nga ba si Edward nang magpakita sa kanila ang Northern lights?

Ervin Santiago |October 21,2019
facebook
share this

Maymay sinagot na nga ba si Edward nang magpakita sa kanila ang Northern lights?

Ervin Santiago - October 21, 2019 - 12:10 AM

SINAGOT na nga ba ni Maymay Entrata si Edward Barber nang magpakita sa kanila ang aurora borealis o ang tinatawag na Northern lights habang nagbabakasyon sila sa Norway?

Nakabalik na sa Pilipinas ang tambalang MayWard mula sa Norway matapos ang ilang araw na “workation” doon kasama ang tatay ni Edward.

Sa isang panayam, naikuwento nina Maymay at Edward ang naging experience nila sa Norway, lalo na nang makita nila up close and personal ang magical na Northern lights.

“Parang usok lang siya noong una, sabi ko ‘usok lang naman ‘yan.’ Tapos biglang nagkakulay, tapos lumakas ng lumakas, sobrang lakas, sabi ko, ‘Hala Dong!’

“Para kaming baliw, punta ko dito, pasan ako sa kanya tapos ‘yung tatay niya nag-picture na sa amin,” simulang kuwento ni Maymay.

Chika naman ni Edward, “Yung dad ko, kasi hindi siya sanay sa camera, sabi ko, ‘Dad ang pangit ng shot mo ulitin natin.”

“Tapos solo-solo kami ni Edward for 10 minutes po natapos namin lahat ng ‘yun solo, kaming dalawa,” hirit naman ni Maymay.

Pero ayon sa magka-loveteam, wala namang nangyaring “sagutan” habang naroon sila. May mga nanunukso kasi sa dalawa na baka doon na nag-level up ang kanilang super espesyal na friendship.

“Hindi po. Ha-hahaha! ‘Yung magical talaga ‘yung lights. Magical kasi na sa bucket list kasi naming dalawa ‘yun ni Maymay,” pagkaklaro ni Edward.

Ayon naman kay Maymay, hindi talaga minamadali ang pagkakaroon ng seryosong relasyon. Aniya pa, huwag maging padalus-dalos sa anumang desisyon, lalo na sa usaping pag-ibig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi, tsaka lesson na rin ‘yun sa mga babae na pag feeling niyo magical na 12 a.m. sasagutin niyo ang mga nanliligaw sa inyo, hindi po ‘yan totoo, dapat ramdamin mo tsaka mo siya sagutin pag okay na ang lahat,” paliwanag ni Maymay.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending