Alden rumampa sa fashion show ni Avel Bacudio para sa mga bulag; napahinto dahil kay Marian | Bandera

Alden rumampa sa fashion show ni Avel Bacudio para sa mga bulag; napahinto dahil kay Marian

Bandera |October 20,2019
facebook
share this

Alden rumampa sa fashion show ni Avel Bacudio para sa mga bulag; napahinto dahil kay Marian

Bandera - October 20, 2019 - 01:05 AM

ALDEN RICHARDS

MULING rumampa bilang model “for a cause” ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Si Alden ang star sa ginanap na fashion show para sa collaboration nila ng sikat na fashion designer na si Avel Bacudio.

Pero sa gitna ng kanyang pagrampa biglang napatigil ang lead actor ng Kapuso primetime series na The Gift. Nakita kasi siya sa audience ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kaya nilapitan niya ito para batiin at saka bumeso.

Ayon kay Alden, ang procceeds mula sa clothing line nina Alden at Avel ay mapupunta sa kanilang beneficiary, ang Northern Luzon Association for the Blind.

Parehong malapit sa puso nina Alden Avel ang asosasyon na ito na nangangalaga sa mga kababayan nating bulag. Alam naman ng lahat na bulag ang role ng Pambansang Bae sa The Gift. Marami na siyang naging kaibigang bulag matapos sumailalim sa ilang araw na immersion para sa kanyang serye.

Ayon naman kay Avel, tinutulungan niya ang Northern Luzon Association for the Blind dahil muntik na siyang mabulag noon. Sumailalim ang fashion designer sa operasyon matapos magkaroon ng retinal detachment.

Samantala, patuloy na tinututukan ng mga Kapuso viewers ang The Gift sa GMA Telebabad, patunay dito ang mataas na rating na nakukuha nito gabi-gabi at ang pagiging top trending nito sa social media.

Abangan sa mga susunod na episode ang mga nakakakilabot na pangitain ni Sep (Alden) na maglalagay na naman sa kanya sa panganib, kabilang na ang kanyang pamilya at mga kaibigan. At ngayong mas naging close pa sila ni Nadia (Jean Garcia), makita rin kaya niya sa pamamagitan ng kanyang third eye ang katotohanan tungkol sa kanilang mag-ina?

‘Yan ang sasagutin sa pagpapatuloy ng The Gift gabi-gabi pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA, sa direksyon ni LA Madridejos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending