Sagot ni Janine kapag nag-propose si Rayver: Wait lang, hindi ako ready!!!

By Ervin Santiago October 16,2019
share this

Sagot ni Janine kapag nag-propose si Rayver: Wait lang, hindi ako ready!!!

By Ervin Santiago October 16,2019
share this

JANINE GUTIERREZ AT RAYVER CRUZ

KUNG sakaling mag-propose na sa kanya si Rayver Cruz, ano kaya ang isasagot ni Janine Gutierrez?

Sa nakaraang presscon ng bagong pelikula ng Kapuso actress, ang “Babae at Baril”, natanong nga kung nag-propose na ba ang kanyang boyfriend na si Rayver noong magpunta sila sa Paris, France.

Ilang araw nagbakasyon doon ang Kapuso couple kung saan isinabay na rin ang selebrasyon ng birthday ni Janine. Nasa France ang dalaga para dumalo sa Fashion Week sa Paris at sakto naman daw na binisita ni Rayver ang pinsan nito roon.

Marami ang nagkomento na daig pa raw nila ang honeymooners habang namamasyal sa Paris.

Natatawang comment ni Janine, “Dahil ba sa Paris, honeymoon na? Wala pang ganu’n. Pero sobrang na-enjoy namin ‘yung vacation na ‘yun kahit ilang days lang.”

Kuwento pa ng dalaga, may mga nakita silang nag-propose sa ilang tourist spots na pinuntahan nila sa Paris, “Nasa Colosseum nga kami, habang nandoon kami, mga dalawa ang nag-propose doon.”

Eh, si Rayver hindi ba lumuhod sa harap niya with matching engagement ring? “Ha-hahaha! Alam niya na hindi pa kami dalawa handa. Wait lang muna! Alam niya na hindi pa talaga ako ready.”

Tuwang-tuwa rin si Janine dahil talagang kinarir ng kanyang boyfriend ang pagpaplano sa kanilang Paris sojourn.

“Sobrang nag-step up siya. Niloloko ko kasi siya na hindi siya marunong magplano. Kasi, lahat ng biyahe niya, sobrang daming tatak ng passport niya, naikot niya buong mundo, pero halos lahat nu’n, Star Magic.

“And this trip, ang dami niyang pinlano, sobrang proud ako sa kanya. Talagang nag-research siya, nag-research siya ng mga restaurant. Parang proud din siya sa sarili niya, kasi dapat daw i-tweet ko na ginalingan niya,” pahayag pa ng Kapuso actress.

Masaya pang ibinahagi ng anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher ang kinahihiligan ngayon ng binata – ang pagkaadik nito sa pagkuha ng kanyang mga litrato dahil nga may bago na itong camera.
“Ngayon kasi, mahilig na siyang mag-photography. So, nakaka-benefit ako riyan. Pangarap ko kasi na magkaroon ng travel buddy na parang si Erwan (Heussaff),” lahad ni Janine na ang tinutukoy ay ang asawa ni Anne Curtis.

“Si Erwan kasi palaging nagti-take ng pictures ni Anne, gumagawa ng video. Sabi ko, shocks! Ang saya! So ngayon, may bagong camera siya.

“Happy ako, kasi ganadung-ganado siya mag-picture, mag-video. Sasabihin niya, ‘O para sa vlog mo.’ ‘Tapos nagbi-video video siya. Iyon siguro ang bago sa trip namin,” pagpapatuloy pa ni Janine.

Samantala, proud na proud si Janine sa bago niyang movie, ang psychological thriller na “Babae at Baril” na isa sa mga entry sa QCinema International Film Festival’s Asian Next Wave Competition.

Dito, ipakikita naman ni Janine ang kanyang pagiging action star kung saan gaganap siya bilang isang saleslady na palagi na lang binu-bully at naiiwang mag-isa. Ngunit mababago ang takbo ng kanyang buhay nang makapulot siya ng isang baril.

Ayon sa ilang nakapanood na ng pelikula, para raw silang nanood ng isang Quentin Tarantino film dahil sa matitinding action scenes na ginawa ni Janine at ng iba pang members ng cast. Siyempre, flattered ang direktor ng “Babae at Baril” na si Rae Red na maikumpara ang proyekto nila sa mga obra ng isang Hollywood director.

Mapapanood ang “Babae at Baril” sa QCinema International Film Festival’s Asian Next Wave Competition hanggang Oct. 22.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending