Marian no show sa Star Awards for TV, bigla raw nag-iiyak si Zia
NO show si Marian Rivera sa ginanap na 33rd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Kabilang si Marian sa binigyan ng special award para sa Teleserye Queens at the Turn of the Millennium.
According to a source, nag-confirm na si Marian kaya may reserved seat na siya sa theater. But last minute, may nagsabi na hindi na raw darating ang aktres. Sey pa ng aming source, umiyak daw kasi ang anak niya kaya hindi na tumuloy si Marian sa awards night.
Bukod kay Marian, hindi rin nakarating ang Queen of All Media at webstar na ngayong si Kris Aquino.
Nasa Singapore raw si Kris for another medical treatment/chek-up.
On her behalf, pinapunta ni Kris ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby para personal na tanggapin ang kanyang Ading Fernando Lifetime Achievement award.
Kuhang-kuha sa mga video sa social media ang pag-akyat sa stage ni Joshua habang tina-tuck-in ang kanyang white shirt inside his black blazer. At habang binabasa ni Bimby ang kanyang speech, napansin namin na nakaangat pa ang blazer sa bandang kaliwa ni Joshua.
It so happened na nasa likod kami nia Joshua and Bimby, kaya agad naming inayos ang blazer ng panganay ni Kris.
Habang nasa stage rin kami nu’ng mamataan namin sa isa sa pinakamagandang nasa kalagitnaan ng audience that night. Walang iba kundi si Bea Alonzo na nagkataong birthday din pala last Sunday.
Through hand signs, nag-hello sa amin si Bea na kahit malayo ay aninag namin ang napakaganda at maliit niyang mukha. At nag-okey sign siya sa maniningning na suot namin that night.
Feeling namin kasabay niyang dumating ang kaibigang si Angel Locsin at fiance nito na si Neil Arce.
Towards the middle of the program, nawala na si Bea. Hindi na niya nahintay na tawagin at mapanood si Angel at isa pa nilang kaibigan na si Dimples Romana nu’ng tawagin sila as winners.
Si Angel ang nanalo bilang Best Drama Actress for her sterling performance sa The General’s Daughter at win naman ang top-rating serye ni Dimples na Kadenang Ginto as Best Daytime Drama Series.
Hindi rin nakarating ang “Pambansang Baklang Hamburger” na si Mother Ricky Reyes para tanggapin ang kanyang tropeo bilang Best Lifestyle Show Host at Best Lifestyle Show para sa programa niyang The World of Gandang Ricky Reyes.
Papunta ng Singapore kinabukasan si Mother Ricky for an international event. At sa pagkakaalam namin, hindi siya nagpupuyat.
Lastly, nagpadala naman ng representative ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda just in case manalo siya. May nagsabi sa amin na nasa Cebu raw si Kuya Boy last Sunday. Win ang dalawang shows niya sa Dos, ang The Bottomline (Best Public Affairs Show) at Best Celebrity Talk Show naman ang Tonight with Boy Abunda.
Nanalo rin si Kuya Boy as best hosts para sa dalawa niyang Kapamilya shows.
Nagtataka naman ang mga members ng press na nag-cover ng awards night kung bakit wala raw in-announce na winners for Best Male and Female TV Host that night.
Pagkatapos daw sabihin ang nanalo sa kategoryang Best Variety Show at Best Musical Variety Show, ibang kategorya at genre na ang sumunod na list of winners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.