Mystica basag sa fan ni Jaya: Malabong kunin ka ng TNT! | Bandera

Mystica basag sa fan ni Jaya: Malabong kunin ka ng TNT!

Alex Brosas |October 14,2019
facebook
share this

Mystica basag sa fan ni Jaya: Malabong kunin ka ng TNT!

Alex Brosas - October 14, 2019 - 12:15 AM

PINATULAN ng isang guy ang aria ni Mystica against Jaya.

Hinamon ng showdown ni Mystica si Jaya matapos nitong ipa-gong si Shirley Fuentes sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition.

“Pwede akong sumali sa tawag ng tanghalan at kantahin din yung kinanta ni Shirley Fuentes na LUHA basta si JAYA ang kalaban ko. I DARE HER! Kung biritan din lang ng LUHA, siguradong paluluhain ko lang si JAYA! AKO ANG KAKATAY DIYAN! ~ MYSTICA.”

‘Yan ang Facebook post ni Mystica. One guy, Jay Arr, lambasted Mystica on his Facebook rant after posting the Jaya’s video habang kumakanta against Mysitca’s video while singing habang nasa banyo yata.

“An Open Letter to Ruby Villanueva a.k.a Mystica: I am a fan of Ms. Jaya at para hamunin siya sa isang Singing Showdown, para naman yatang kumuha ka ng batong inihampas mo sa ulo mong walang laman.

“Una, paano mo kakatayin ang isang Icon sa larangan ng musika at Queen of Soul pa ang titulong pinanghahawakan niya. Anong ilalaban mo? Labi sa Labi? Pusong Salawahan? Simpleng Babae? Jusko, eh para ka namang nagtampo sa bigas niyan kung hahamunin mo si Ms. Jaya.

“Pangalawa, sa klase ng pamumuhay mo ngayon, malabong kuhanin ka ng TNT, remember nung minsan ka ng tinulungan ni Coco Martin? Anong sinukli mo? Di ba’t kinagat mo ang kamay ng taong nagpakain sa’yo? Iniaahon ka pero ano ginawa mo? Nagpalubog ka pa rin.

“Pangatlo, eto lang naman ang performance ng taong sinasabi mong kakatayin mo o paluluhain mo. Kapit ka lang po, baka sa taas ng boses niyan malula ka. Yun lang po. Hemwe! Hemwe! Hemwe!”

Marami pa ang nanglait kay Mystica sa post na ‘yon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending