Bilyones ni Willie Revillame masasayang lang kung... | Bandera

Bilyones ni Willie Revillame masasayang lang kung…

Cristy Fermin - October 14, 2019 - 12:05 AM

WILLIE REVILLAME

NAGPA-EXECUTIVE check-up si Willie Revillame. Taunan niyang ihinahanap ng panahon ang kapakanan ng kanyang kalusugan at pangangatawan.

Hindi simple ang kanyang trabaho, araw-araw siyang nagpapasaya sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang matagumpay na game show na Wowowin, kaya dapat lang naman niyang tiyakin na nasa maayos na kundisyon ang kanyang katawan.

Bukod sa kanyang pagho-host ay napaka-hands-on pa ni Willie, sumasama siya sa kanyang staff sa pagbubuo ng mga konseptong gagamitin nila sa Wowowin, pati nga sa nakaraang pagre-renovate ng kanilang studio ay araw-araw ring nakabantay si Willie.

Idagdag pa ang paminsan-minsang stress na dumarating sa kanya dahil sa mga taong matigas ang ulo, siya rin ang nagreresolba sa ganu’ng sitwasyon, kaya talagang kailangan niyang ihanap nang sapat na panahon ang isang prosesong makabubuti para sa kanya.

Bilyonaryo na si Willie Revillame, pero alam niya na mababalewala ang kanyang kayamanan kung hindi maayos ang kanyang kalusugan.

Alam niya na health is wealth, kung hindi maganda ang kanyang sitwasyon ay mauuwi lang sa pagpapaospital ang kanyang pinaghihirapan, kaya inaagapan niya na agad ang puwedeng mangyari.

“Napakaganda ng kanyang studio ngayon, mas ganadong magtrabaho ang kuya ng bayan, ayon kay Willie ay sa ganu’ng paraan lang niya maibabalik sa kanyang mga tagasuporta ang matinding pasasalamat sa tiwalang mula pa nu’n ay ibinibigay na sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending