7 tips para mapangalagaan ang iyong buto | Bandera

7 tips para mapangalagaan ang iyong buto

Melvin Sarangay - October 14, 2019 - 08:00 AM

BONE and Joint Awareness Week ang ikatlong linggo ng Oktubre at isinasagawa ito para magkaroon ng kamalayan ang publiko tungkol sa kung paano makakaiwas, mapangangalagaan at magagamot ang iba’t ibang bone and joint disorders tulad ng back pain, arthritis at osteoporosis.

Maraming mamamayang Pinoy ang nakararanas at iniinda ang sakit ng iba’t ibang uri ng bone and joint disorder.

Kaya narito ang ilang tips para mapangalagaan ang iyong mga buto at kasukasuan.

1. Kumain ng maraming gulay

Ang mga gulay, lalo na ang berde at dilaw, ay ang pinakamahusay na source ng Vitamin C, na kinakailangan para makagawa ng mga bone-forming cells.

2. Strength training exercise

Ang pageehersisyo ay kailangan para tuluyang lumakas ang iyong katawan at mga buto. Kailangan ito para malabanan ang mga lower extremity joint deficiencies tulad ng knee o hip arthritis.

3. Vitamin D wag kalimutan

Mag-take ng vitamin D supplement para mapunan ang pangangailangan ng iyong katawan na magkaroon ng calcium at mapalakas ang iyong mga buto.

4. Weight-bearing exercises

Kailangan din ang high-impact weight-bearing exercises tulad ng running at basketball na makakatulong para sa iyong mga buto.

5. Sigarilyo, alcohol tigilan

Wala kasi itong magandang maidudulot sa iyo kundi problema lang, kaya habang maaga pa ay tigilan na ang paninigarilyo at huwag nang subukan ito.

6. Ipasuri bone mineral density

Magpatingin o kumunsulta sa iyong doktor para malaman kung maayos pa ang mga buto sa iyong katawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

7. Medication

Ikonsidera ang medikasyon o gamot para sa iyong mga buto. May mga gamot kasi na kailangan mong gamitin para makaiwas na humina ang iyong mga buto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending