‘Dapat lang manalo si Elaine sa TNT, napakagaling niya!’

By Julie Bonifacio October 11,2019
share this

‘Dapat lang manalo si Elaine sa TNT, napakagaling niya!’

By Julie Bonifacio October 11,2019
share this

ELAINE DURAN

Bilib na bilib kami sa talent ng bagong Tawag Ng Tanghalan grand champion na si Elaine Duran. Deserved na deserved niya ang manalo.

Bumibirit, sumisipol, nagra-rap. Napakalawak ng kanyang vocal range. Kaya nu’ng nag-guest siya sa Magandang Buhay at Tonight with Boy Abunda ay talagang pinanood namin.

Lutang na lutang ang boses niya sa duet nila ni Erik Santos who happens to be one of the judges sa TNT.

Ang hosts ng Magandang Buhay na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal ay kabilang din sa mga hurado ng TNT na talaga namang bumilib kay Elaine.

Mabuti na lang at malakas ang audience impact ng performances ni Elaine. Napakaraming viewers ang bumoto sa kanya. Iba talaga kapag nakuha ng performer ang puso ng audience, di ba Melai Cantiveros?

Ang madlang people din ang nagpanalo kay Melai sa Pinoy Big Brother.

Anyway, ang Magandang Buhay ay napapanood after Umagang Kay Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending