TNT Champion Elaine Duran engaged na sa non-showbiz dyowa | Bandera

TNT Champion Elaine Duran engaged na sa non-showbiz dyowa

Therese Arceo |August 04,2021
facebook
share this

TNT Champion Elaine Duran engaged na sa non-showbiz dyowa

Therese Arceo - August 04, 2021 - 04:48 PM


NABIGLA ang “Tawag ng Tanghalan” champion na si Elaine Duran nang mag-propose sa kanya ang boyfriend na si Richmond Pengson.

Walang kaalam alam ang singer na magpo-process ang kanyang boyfriend dahil akala niya ay magkakaroon lang sila ng sitdown interview vlog para sa channel ni Richmond.

Ayon pa kay Richmond, ang orihinal raw niyang plano ay magkaroon ng surprise engagement party pero dahil na rin sa banta ng lockdown, naisip niya na lang na gawin ang proposal sa bahay para na rin sa kanilang safety.

Nangyari ang proposal noong July 31 ng hapon, tatlong oras pagkatapos makuha ni Richmond ang engagement ring.

Ang peg ng surprise ng binata ay parang “Tonight With Boy Abunda” kung saan meron siyang 10 questions para kay Elaine.

Dito na nga nagsimula na magtanong si Richmond kay Elaine tulad ng kung kumusta ang kalagayan nito ngayong pandemya, isang materyal bagay na hindi niya kayang mabuhay kung wala, at ano ang babalikan nito sa buhay kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Tila nagbibigay na nga ng clue ang binata nang tanungin niya ang pang-siyam na katanungan kung saan tinanong niya ang dalaga kung ano ang gusto nito kapag kinasal sila. Kung church, beach, or garden wedding.

Inosente sa susunod na mangyayari, sinagot naman ito ng dalaga. Church wedding raw ang bet nito dahil gusto niyang nakikita ang Diyos sa altar dahil bata pa lang ay umaattend na siya at kumakanta sa mga kasal. Natry na rin daw niyang kumanta sa garden wedding pero para sa dalaga, iba pa rin ang chirch wedding.

Ibinalik naman ni Elaine ang tanong sa nobyo at church wedding rin ang sagot nito.

At nang dumating na nga sa pang-sampung tanong, napahiyaw ang dalga nang makita ang maliit na box sa kamay ng nobyo.

Kita ang saya sa mukha ni Elaine na naiiyak pa at pinapalo palo si Richmond na tila alam na ang itatanong kahit hindi pa ito nagtatanong.

Isang “yes” naman ang sagot ni Elaine nang tanungin siya nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagtatapos ng vlog, niyakap ni Elaine ang ngayon ay fiancé na niya at ipinakita ang kaniyang engagement ring.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending