MAGANDANG araw po!
Magbabakasakali lang po ako. Ako po ay bunsong anak ng yumaong Teodoro Balota Zotomayor, na ipinnganak noong March 5, 1927 at namatay naman po noong December 11, 2012.
Gusto ko po sana malaman sa inyong tanggapan kung maaari po kaming makakuha ng death claims at iba pa kahit matagal na po siyang sumakabilang-buhay.
Naaalala ko lang po, parati pong binabanggit ng aking ina noong mga nabubuhay pa sila ng aming ama na bakit hindi niya asikasuhin ang kanyang PVAO kaya ako po ay naglakas ng loob sumulat sa inyo at magtanong kung kami na mga anak niya ay may makuha pa kahit matagal na siyang namayapa.
Natanim po sa isip ko hanggang sa ngayon na tingin ko ay posible nga na may makuha ang mga naulila ng aking ama.
Ang aming ina naman po na si Aniceta Alagon Flores Zotomayor ay sumakabilang buhay naman po noong Enero 6, 2013.
Ipagpaumanhin ninyo po ninyo kung bakit kami nagkainteres. Ito po ay sa kadahilanang ang aming ama ay sa tingin namin ay isa sa mga PVAO pensioners.
Subalit sa ngayon po ay tanging ang pangalan at kapanganakan ng aming ama ang aming hawak, wala na po kaming makitang military service records niya.
Hangad po namin ang positibong konsi-derasyon hinggil sa
aming pakay.
Maraming salamat po at mabuhay kayo at pagpalain kayo ng ating Poong Maykapal. Salamat po ulit.
Eric Flores
Zotomayor,
4276 Sto. Angel Sur,
Santa Cruz, Laguna
REPLY: Maraming salamat po sa inyong liham at ganap na pagtitiwala sa aming pahayagan na kayo ay aming matutulungan.
Nais po naming ipaalam sa inyo na naiparating na po namin sa PVAO ang inyong katanungan para mabigyan nila ng agarang aksyon ang inyong concern. Ilalathala po namin ang tugon ng PVAO sa mga susunod na araw. Salamat po
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.