Sarah: Wala pong rason para magdiva-divahan

By Ervin Santiago October 10,2019
share this

Sarah: Wala pong rason para magdiva-divahan

By Ervin Santiago October 10,2019
share this


“KAHIT sino naman walang rason para magdiva-divahan.” ‘Yan ang diretsong pahayag ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo tungkol sa mga papuri sa kanya ng kanyang mga nakakatrabaho.

Ayon sa singer-actress, nagpapakatotoo lang siya kapag may mga bagay na hindi siya kumportableng gawin, talagang sinasabi raw niya ito sa kanyang mga nakakatrabaho, lalo na sa production.

Sa panayam ng ABS-CBN sa girlfriend ni Matteo Guidicelli sa nakaraang mediacon ng latest offering ng Viva Films, ang “Unforgettable”, hiningan siya ng reaksyon sa sinabi ng co-star niya sa pelikula na si Ara Mina na never siyang nag-inarte o nagdiva-divahan sa shooting.

“Wala po naman kasing rason talaga na magpa-diva. Actually, kahit sino naman, walang namang rason mag-diva-divahan.

“Meron ka lang rason kapag ka, halimbawa, may bagay na hindi ka kumportableng gawin. You just have to be honest, to be open about it, di ba? Hindi naman pagdi-diva yon, eh.

“You just have to be honest all the time, meron laging polite na way of speaking out, di ba po?” chika pa ni Sarah sa nasabing interview.

Samantala, isang malaking hamon para kay Sarah ang bago niyang pelikula na “Unforgettable” kung saan makakasama niya ang dog wonder na si Milo. Ito’y sa direksyon nina Perci Intalan at Jun Lana under Viva Films and IdeaFirst Company.

“Hindi naman po ako nahirapang kaeksena si Milo. Willing nga po akong mag-kissing scene kami ni Milo kaya lang strict yata si Kuya Tristan, yung parent niya, so, hindi natuloy. Ha-haha!” natawang pahayag ng award-winning actress-singer.

Pagpapatuloy pa niya, “Surprisingly, hindi rin siya nagkakaroon ng tantrums sa set. Very professional po siya na dog actor.”

“Masuwerte rin po ako kasi nandiyan silang dalawa talaga para umalalay sa akin, sa mg eksena po namin, especially pag may mga heavy scenes, talagang tulungan po sila ni Direk Perci at Direk Jun.

“And I also had yung acting coach na gumabay po talaga sa akin. Ever since ‘Miss Granny’ meron po akong coach at yon yung kinapapalagayan ko po ng loob kasi talaga merong gumagabay sa akin kung tama ba yung ginagawa ko.

“Kailangan, eh. Ako po, for me, kasi I’m doing a film na ako po yung talagang nagdadala, so importante po na meron talagang gumagabay sa akin,” aniya pa sa panayam ng ABS.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending