Sikat na male celeb buking ang ‘modus’ sa babae; lalaki pa rin ang gusto

By Cristy Fermin October 08,2019
share this

Sikat na male celeb buking ang ‘modus’ sa babae; lalaki pa rin ang gusto

By Cristy Fermin October 08,2019
share this

TAWA nang tawa ang aming source sa mga kuwentong nakararating sa kanya tungkol sa isang sikat na male personality.

Maraming tinatawagan ang lalaking personalidad para hingin ang phone number ng iba-ibang artistang babae pero wala naman siyang tinatawagan.

Kuwento ng impormante, “Echoserang palaka ang isang ‘yun! Nang-aabala siya sa mga co-stars niya, hingi siya nang hingi ng number ng kung sinu-sinong babae, ibinibigay naman sa kanya!

“Pero kapag kinukumusta ng mga nagbigay ang mga kaibigan nilang babae kung tinawagan na ba sila ng male personality, e, hindi naman daw!

“Echosera siya! Kiyeme-kiyemeng type niya ang female personality, pero ang totoo, e, gusto lang niyang i-prove sa mga co-stars niya na lalaking-lalaki siya!

“Kung talagang interesado siya sa girl, e, di tinawagan na sana niya! Pero bakit kukunin niya ang number ng girl, tapos, itatago lang naman pala niya at hindi niya naman ginagamit?” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Buking na rin ng mismong mga kaibigan ng pamosong aktor ang kanyang drama. Marami na rin kasi siyang pinagtanungan ng phone number ni ganito at ni ganyan, pero wala naman pala siyang planong tawagan, madrama nga naman ang male personality na ito!

Patuloy ng aming source, “Kinuha niya nu’n ang cellphone number ng isang beauty queen, napakaganda raw kasi, saka mukhang very nice! Ibinigay naman sa kanya ng friend niya ‘yun!

“Pati nga ang number ng manager ng beauty queen, e, ibinigay sa kanya ng friend niya, pero wala naman pala siyang tawag! As in, waley!

“Hanggang sa pagkuha lang naman siya ng mga phone number, pero hindi naman siya tumatawag! Kumpleto siya ng number ng mga female personalities, pero kahit isa sa kanila, e, wala naman siyang tinatawagan!

“Ano ito? Di ba naman, lokohan lang? Para lang masabing type niya ang mga babaeng ‘yun, pero sa totoo lang, e, baka ang mga kapatid na lalaki ng mga female personalities na ‘yun ang type niya?

“Tantanan na nga niya ang kagaganyan? Puwede bang manahimik na lang siya, tutal naman, e, alam na alam ng mga kaibigan niya kung ano at sino talaga ang type niya?” pagtatapos ng aming impormante.
Ahahay, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa bang ipagtanong kung sino ang sikat na male personality na ‘yan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending