Inday Garutay, fashion designer umepal sa isyu ng GGV
AFTER Arnell Ignacio, isang hindi sikat na designer naman by the name of Armando Favia and a laos na comedian Inday Garutay, ang nagtaray kay Vice Ganda.
Like Arnell, they didn’t like the Gandang Gabi Vice Sept. 22 episode kung saan na-feature ang dalawang bagets na nagsasayaw suot ang Boy Scouts uniform.
Nauna nang binatikos ni Arnell ang nasabing portion where he said “Parang wala nang katiting na regulation, discretion na…hindi dahil naaliw tayo ay tama. Iilan na lang nga ang natitira na parang…bigyan naman natin ng sagrado na, like boy scouts, iilan na lang nga. Tapos gagawin pa nating katawa-tawa, nakakaaliw na nagsasayaw.”
Aba, biglang may aria din itong si Armando who said, “Isn’t this a disrespect of the Boy Scout’s uniform?
And Creed of Honor?”
Maging ang laos na komedyanteng si Inday Garutay, feeling relevant, ay umaria rin and said, “Tapos naka-uniporme pa sila, disrespect nga ‘yan!”
Ano raw?
Anyway, marami ang nag-react against those three na pa-relevant.
“Aren’t they happy that these boys at their young age can express themselves and share their talents. It may be to early for these boys to really know their sexual preference but whatever it may be, they feel not bounded to conform into what the society tells them to.”
“Sa mismong camping kinunan yung video nun. So, ibig sabihin andun ang mga teacher/ scout leaders/ facilitators that time kay Kung mali yun, edi sana pinagsabihan na nila yung mga bata, pero di naman.
Meaning hindi nayon kasalanan ni vice at ng GGV. At wala namang mali doon, sa ginagawa ng mga bata!”
“Ano ba yan! Hindi nga binawalan ng mga mismong senior na scouts na nandon sa camping tapos kayo marami kayong sinasabi jan. Bakit nilabag ba nila ang mga mga mission, vision, goals ng boy scouts ayon sa pagtatag ni Sir powell? Nakapatay ba sila? Mga papansin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.