Young actor mukha lang walang alam pero magaling makipaglandian sa girls | Bandera

Young actor mukha lang walang alam pero magaling makipaglandian sa girls

Cristy Fermin - October 01, 2019 - 12:40 AM

HANGGANG ngayon ay ipinipilit ng kampo ng isang young actress na niloko siya ng kanyang boyfriend na young actor. ‘Yun daw ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa karelasyon niya sa harap at likod ng mga camera.

Tatahi-tahimik lang daw ang young actor pero nasa loob ang kalokohan. Marami na raw kuwentong nakararating sa young actress tungkol sa pagiging playboy ng young actor pero hindi na lang niya ‘yun pinapansin.

Kuwento ng aming source, “Consistent kasi ang mga kuwentong nakararating sa kampo ng young actress, teaser daw ang young actor. Tahimik lang, pero marami siyang pailalim na ginagawa.

“Mahilig daw sa girls ang young actor, pero kung makapagsalita siya, e, parang ang girlfriend na niya ang magiging huling babae sa buhay niya,” simulang chika ng aming impormante.

Nakipagkalas na ang young actress sa young actor, pero ayaw raw pumayag ang young male personality, kaya nagpatuloy pa rin ang kanilang relasyon.

Balik-chika ng aming source, “Ganu’n ang nangyari, gusto nang makipag-break ng girl, pero ayaw naman ng young actor. Kaya ang nangyari tuloy, e, sila pa rin, pero matabang na sa kanya ang girl.

“Halatang-halata na kumakawala na talaga ang girl sa young actor dahil lumalabas na siyang kasama ang mga friends niya nang hindi nalalaman ng guy.

“Hindi na niya sinasabi sa BF niya kung saan-saan siya nagpupunta. Talagang tinabangan na ang young actress sa BF niya nu’ng mga panahong ‘yun!” sabi pa ng aming impormante.

Ang isa pa palang talagang pinalagan ng magandang young actress ay ang pagiging sobrang mahigpit ng kanyang boyfriend. Pati ang kanyang mga damit at gayak ay pinakikialaman nito.

Huling kuwento ng aming source, “Ang gusto sigurong mangyari ng guy, e, ang magmukhang losyang ang GF niya para hindi maligawan ng iba! Kasi, bawal sa kanya ang mga open neckline, ang maiigsing damit, pinakikialaman niya talaga pati ang mga isinusuot ng girlfriend niya!

“Gusto na ng freedom ng girl nu’n pa man, kaya ayun, nu’ng maging magkatrabaho sila ng isang hunk actor, e, nahulog ang girl. Malakas pa naman ang appeal nu’ng male personality, kaya naging sobrang close sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And the rest is history,” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na ang clue, ha? Siguradong hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending