Ok Taec Yeon, Lee Yeon Hee partners in crime sa ‘The Game’
KOREAN word for the week: “Cheon-ma-ne-yo” – sa English ang ibig sabihin nito’y “You’re welcome” samantalang sa Tagalog ito’y “Salamat.”
***
Bibida sina Ok Taec Yeon at Lee Yeon Hee sa latest Korean drama na siguradong inaabangan na ng fans, ang The Game Towards Midnight.
Kuwento ito ni Tae Pyeong (Taec Yeon), isang lalaking may kakayahang makita ang pagkamatay ng mga taong nakakatitigan niya sa mata. Guwapo, mayaman, matalino at masayahin siya sa kabila ng kanyang powers.
Love interest naman niya rito si Joon Young (Yeon Hee) na isang detective. Dahil sa isang mysterious murder case na makikita ni Tae Pyeong, makikilala niya si Joon Young.
Magkasama nilang aalamin kung ano nga ba ang katotohanan sa likod ng mga murder cases.
Matatandaang bumida si Taec Yeon sa hit drama na Dream High (2011) at Bring It On, Ghost (2016) habang si Lee Yeon Hee naman ay bumida sa Miss Korea (2013) at Splendid Politics (2015).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.