Pagkamatay ni Bamboo fake news! | Bandera

Pagkamatay ni Bamboo fake news!

Joshua Jazz Lapitan-OJT |September 30,2019
facebook
share this

Pagkamatay ni Bamboo fake news!

Joshua Jazz Lapitan-OJT - September 30, 2019 - 05:53 PM

KUMALAT ang isang balita sa social media na nagsasabing namatay na umano ang The Voice Kids coach at OPM icon na si Bamboo.

Isang fan page ng PBB Big Winner na si Yamyam Gucong ang nag-share ng link na naglalaman ng nasabing fake news.

Ang article ay may headline na “Bamboo Mañalac patay matapos madamay sa karambola ng sasakyan sa Quezon.”

Dahil dito ilang netizens ang nagpakita ng simpatya sa pagpanaw umano ng rock singer habang ang ilan naman ay nagsabing huwag munang maniwala sa balita at kailangang kinumpirmahin muna bago maniwala.

Matapos makumpirmang fake nga ito, ilang netizens ang nakiusap online na i-report ang nasabing FB page para hindi na kumalat ang pekeng balita. Ayon pa sa mga fans ni Bamboo, siguradong hahaba pa ang buhay ng singer dahil sa mga ganitong balita.

Samantala, wala pang nakukuhang statement mula kay Bamboo matapos ang pagkalat ng fake news.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending