Karakter ni Mikee sa ‘The Gift’ kinaawaan ng viewers
Relate na relate ang mga Kapuso viewers sa karakter ni Mikee Quintos bilang si Amor sa GMA Telebabad series na The Gift.
Sa nakaraang episode kasi ng serye, aaminin na sana ng dalaga kay Sep (Alden Richards) ang tunay niyang feelings dito pero hindi na niya ito naituloy.
Siyempre, mas lalong na-hurt ang feelings ni Amor nang sabihin ni Sep sa kanya na parang tunay na kapatid na ang turing nito sa kanya. So, paano pa nga niya maibabandera ang kanyang nararamdaman sa kababata?
Bumaha naman ng pakikisimpatya kay Amor mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa mga comments ng mga nakatutok sa he Gift.
“Bwiset talaga si Sep dito. Pwede daw nya i-drawing si Amor pero ayaw nya dahil chicks lang dino-drawing nya. Sana sinampal mo na lang si Amor. Huhuhu! Ang shaket. Sa totoong buhay kung ako si Amor di na kita kakausapin kahit kelan. Hahahaha!”
“Oy, totoo to!!! Kaya talaga team Amor ako kasi feel na feel ko yung character niya. Ang sheket sheket ma-deny ng harapan ni hindi mo pa nasasabi naturn down ka na.”
“But I think and again akin lang toh, kaya Amor name niya is she is supposed to give him Love without expecting anything in return. Pero kung ako nasa shoes ni Amor malamang ganyan din ako.”
Patuloy na tutukan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.