PhilHealth nagbabala sa pekeng raffle promo | Bandera

PhilHealth nagbabala sa pekeng raffle promo

Liza Soriano |September 28,2019
facebook
share this

PhilHealth nagbabala sa pekeng raffle promo

Liza Soriano - September 28, 2019 - 12:15 AM

BINALAAN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko hinggil sa pekeng Facebook page na “PhilHealth Updates Online” na nanghihikayat na “i-like” at “i-share”ang nasabing pahina upang makasali sa raffle promo na “libreng pabahay”.

Bukod sa pekeng raffle promo, nagbabala rin ang ahensiya laban sa isa pang FB page ng isang nagngangalang Efeiram Oicatse na may Facebook page na “PhilHealth Registration Online” na nag-aalok ng tulong para mapabilis ang pagpo-proseso ng PhilHealth membership at makakuha ng PhilHealth ID kapalit ng P170 na dapat bayaran sa isang kilalang convenience store.

Ayon sa PhilHealth, wala silang pabahay raffle promo at walang sinuman ang binibigyan ng awtorisayon na mag-solicit o manghingi ng bayad kapalit ang pagpapamiyembro sa PhilHealth. Hinihikayat nito ang lahat ng miyembro na huwag agad magtiwala sa mga ganitong modus at mag-ingat sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon upang maiwasang mabiktima ng pandaraya.

Pinaalalahanan ang lahat na libre ang pagpaparehistro at ito ay maaaring gawin sa mga Local Health Insurance Office o Express Counterssa buong bansa.
Sakaling may na-monitor na ganitong uri ng iregularidad ay maaaring ipagbigay-alam sa alin mang opisina ng PhilHealth, Facebook “PhilHealth official”; mag-email sa [email protected]; o itawag sa (02) 441-7442.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending