Myrtle gumagastos sa lalaki: 'Yan po ang pinagsisisihan ko! | Bandera

Myrtle gumagastos sa lalaki: ‘Yan po ang pinagsisisihan ko!

Reggee Bonoan - September 26, 2019 - 12:05 AM


“MASYADONG masarap ang magmahal para sukuan!” Ito ang sagot ni Albie Casino sa tanong kung akma sa kanya ang titulo ng pelikula nilang “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” na mapapanood na sa Okt. 2 mula sa Regal Films.

Ayon sa binata, hangga’t tumitibok ang puso niya ay hindi siya titigil magmahal.

Sa tanong kung ano’ng “craziest thing” na nagawa niya para sa love, “Naku, marami akong ginawa alam n’yo ‘yan! Sa akin, the craziest I’ve done for love is nawawala ako sa sarili ko kapag mahal ko ‘yung tao.”

Totoo naman ang sinabi ni Albie dahil nu’ng mga panahong mahal na mahal niya ang ex-girlfriend niyang taga-showbiz din ay marami siyang nagawang hindi dapat, na hindi namin puwedeng isulat dahil “for adults only”. Aminado rin ang aktor na masaya ngayon ang kanyang lovelife at career.

Natanong din kung ano ang masasabi ni Albie at ng iba pang members ng cast ng “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” pagdating sa usaping sex dahil naging open na ito ngayon sa mga milenyal.

Ayon kay Albie, “Me, personally I really don’t care about other people understanding our generation ‘coz (kibit balikat), like wala namang bearing sa amin ‘yan.

“What you’re saying is with the gay. Gay relationship being open now I think it’s about time, di ba? Why others have to hide their sexuality, why hide someone who they’re dating because the whole generation cares? I think it’s stupid!

“I understand for religious purposes, for example the divorce bill, why do you get a divorce when your religion doesn’t allow it, then don’t get divorce. But don’t force that on others. Let them do wathever they want for as long as they’re not hurting others,” dagdag pa ng binata.

Ginagampanan ni Albie sa movie ang karakter ni Hadji, isang video editor na ka-live in ang girlfriend niyang si Myrtle Sarossa bilang si Juna Mae na maraming hang-ups sa buhay dahil sa naging past relationships niya.

Ito ang dahilan kaya naaapektuhan na ang relasyon nila ng boyfriend.

Bukod kina Albie at Myrtle, kasama rin sa pelikula sina Tony Labrusca, Jane Oineza at Jerome Ponce, sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

q q q

Marami namang natawa sa pag-amin ni Myrtle Sarossa tungkol sa kabaliwang nagawa niya para sa pag-ibig.

“The craziest thing I’ve done for love, ano kasi ako e, pag alam ko na may kailangan ‘yung tao gumagastos talaga ako para sa kanya.

“So, ‘yung craziest thing na nagawa ko was lahat ng gamit sa mobile game, lahat binili ko para sa kanya sa isang mobile game. Sobrang mahal no’n.

“Ngayon pinagsisihan ko kasi dapat pala sa character ko na lang ginastos ‘yun kung alam ko lang na hindi naman pala kami magkakatuluyan, sayang ‘yung items. Dapat akin na lang pala ‘yung gadgets na ‘yun. ‘Yun lang ang pinagsisihan ko,” aniya.

At dahil ilang beses na siyang nagmahal at nabigo, aminado ang dalaga na sumuko na siya sa love, “May times na sumuko na ako kasi pag in a relationship ka there are times na both sides are not happy or hindi na kayo makakatulong sa isa’t isa in the future, sometimes you have to give up,” pag-amin ni Myrtle. Sa ngayon ay career ang prayoridad ng aktres.

Nakakatuwa dahil sa limang bida ng “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” ay sina Jerome at Albie lang ang hindi pa sumusuko sa pag-ibig dahil happy ang lovelife nila ngayon.

Hindi pa rin naman daw sumusuko si Tony pero aminadong wala siyang panahon para sa seryosong relasyon dahil marami pa siyang gustong mangyari sa career niya at kailangan stable na siya financially bago magka-lovelife kaya sa ngayon ay dating-dating muna siya.

Si Jane naman kahit na ilang beses nang nasawi sa pag-ibig ay naniniwala pa rin siya na may taong darating na magmamahal sa kanya at mamahalin din niya, “Naniniwala ako sa love, hindi ko yan susukuan. Old soul ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” sa Okt. 2 handog ng Regal Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending