True ba, Ai Ai tatakbong vice-mayor sa Bulacan, humingi ng basbas kay Mama Mary
KILALANG Marian devotee si Ai Ai delas Alas, there never has been a single September 9 na hindi niya ipinagdiriwang ang kaarawan ni Mama Mary.
For sure, much of her success ay utang niya sa ina ni Hesus to whom she has a “direct line” na anytime ay puwede niyang tawagan o hingan either ng tulong or guidance.
Nitong nakaraang birthday ni Mama Mary, tulad ng nakagawian ay nag-alay si Ai Ai ng misa in her honor.
Invited were a few of her college friends. Pero ang nakasanayan nang mahabang oras with friends was cut short, nagmamadali raw si Ai Ai na may importante pang lakad.
Guess what her next appointment was. Ayon sa aming attendee-source, Ai Ai was in a frantic rush dahil noong araw ring ‘yon (Lunes) ay deadline ng pagpa-file ng COC (Certificate of Candidacy).
“Ha, eleksiyon na ba uli?!” ang takang-takang sagot-tanong namin.
Nitong Mayo lang kasi idinaos ang local at national elections, COC filing na agad, at deadline pa? Paging Comelec, hindi ba’t ang susunod na halalan ay sa barangay (next year)?
Basta naulinigan lang daw ‘yon ng aming tipster, Ai Ai had to disperse the group as she was to file her COC. “Matik” na ang gusto naming malaman ay kung saan at para sa anong puwesto.
Sagot ng aming source, tatakbong vice mayor daw si Ai Ai sa Bulacan. Kung saang bayan ay hindi masagot ng kausap namin. Bulacan? Taga-Bulacan ba si Ai Ai? All we know is that the delas Alases trace their roots to Batangas, sa isang bayan doon na “banal-sounding.”
May semblance of truth pa kung sa isang bayan sa Nueva Ecija nais tumakbong bise alkalde ni Ai Ai dahil tagaroon ang napangasawa ni Ai Ai na si Gerald Sibayan, or better yet in Quezon City dahil doon siya nakatira.
Ai Ai joining politics? We’ve heard that before, pero sa bayan nila sa Batangas ‘yon as her closest kin is a barangay official yata. In fact, kumuha pa nga si Ai Ai ng crash course in public administration noon only to change her mind.
Hindi kaya inihingi niya ng guidance kay Mama Mary ang itutuloy na niyang plano? Binulungan at binasbasan ba talaga siya ni Mama Mary? Mamatey?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.