‘Wildflower’ ni Maja lalaban sa 1st Asia Contents Awards
ANG sikat at pinag-usapang Kapa-milya serye na Wildflower ang nag-iisang pa-labas mula sa Pilipinas na nominado bilang Best Asian Drama sa 1st Asia Contents Awards na gaganapin sa Busan, South Korea ngayong Oct. 6.
Makikipagbakbakan ang serye ni Maja Salvador sa mga naglalakihang palabas mula sa South Korea, China, Japan, Hong Kong, Taiwan at ASEAN countries na Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Brunei, Vietnam, Laos, Myanmar at Cambodia.
Bukod sa nominasyon, patuloy ang pamamayagpag ng Wildflower sa ibang bansa ngayong napapanod na rin ito sa tatlong French-speaking countries na New Caledonia, Polynesia, at Reunion matapos ang partnership ng ABS-CBN at Ampersand Fiction, isang French content distributor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.