Kilalang male celeb power tripper, nakakatakot katrabaho | Bandera

Kilalang male celeb power tripper, nakakatakot katrabaho

Cristy Fermin |September 21,2019
facebook
share this

Kilalang male celeb power tripper, nakakatakot katrabaho

Cristy Fermin - September 21, 2019 - 12:12 AM

PALAGING bumibida sa umpukan ng mga extra ang isang pamosong aktor.

Bidang-bida na siya sa kanyang serye ay siya pa rin ang bida sa mga umpukan ng kanyang mga nakakatrabaho.

Ang sobrang kahigpitan ng male personality ang ikot ng kanilang kuwentuhan, nakakatakot daw katrabaho ang aktor, dahil pakiramdam ng mga ito ay wala silang nagagawang tama.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang naman sila ang nagsasabi ng ganu’n, kahit ang mga personalities na nakatrabaho na nu’ng sikat na aktor, e, marami ring nasasabing hindi maganda tungkol sa kanya.

“Kahit ang mga humawak na direktor sa kanya, kung magsasalita lang ang mga ‘yun, e, si-guradong mababawasan ang paghanga sa kanya ng mga kababayan natin.

“Power tripper nga ang tawag sa kanya ng mga taong hindi nagkakagusto sa attitude niya. Palibhasa, e, nabigyan siya ng authority ng network niya na paandarin ang serye, kaya ayun, sumobra naman ang mga ginagawa niya.

“Hindi na lang nagsasalita ang mga nakakatrabaho niya, kasi, sila pa ang mapapasama sa bandang huli. Ang sisisihin pa, e, sila, dahil binigyan na nga sila ng trabaho nu’ng male personality, pero naninira pa sila,” unang chika ng aming impormante.

Sumpungin kuno ang pamosong male personality. Sa sobrang dami ng trabahong tinatanggap niya ay naaapektuhan na ang kanyang mga trabaho.

Patuloy ng aming source, “Kapag dumarating siya sa set, e, parang red sea ang peg. Naglalayuan ang mga tao sa set, umiiwas, dahil baka hindi maganda ang mood niya.

“Alam na nila ang mangyayari kapag wala sa tamang huwisyo ang male personality, napapansin niya ang lahat, pati kaliit-liitang detalye, e, ginagawa niyang big deal.

“May mga nagkukuwentuhan lang, e, nagagalit na siya, action daw ang seryeng ginagawa nila at hindi talk show! Ayaw niyang may nagkukuwentuhan, kailangang tahimik lang ang paligid.

“Kaya ang mga nakakakilala na sa ugali niyang mapagpansin sa kilos ng lahat, e, kagat-kuko na lang, hindi na kumikibo, dahil baka sila ang mapagbalingan ng male personality.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Again, kagat-kuko na lang sila, wah na talk, kagat-kuko na lang sila talaga!” pagtatapos ng aming source na napapailing.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mag-kagat-kuko na lang din kaya kayo habang nanghuhula kung sino ang bidang male personality sa kuwentong ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending