Jeric sinorpresa si Klea habang nagte-taping sa Cebu | Bandera

Jeric sinorpresa si Klea habang nagte-taping sa Cebu

Jun Nardo |September 20,2019
facebook
share this

Jeric sinorpresa si Klea habang nagte-taping sa Cebu

Jun Nardo - September 20, 2019 - 12:40 AM

JERIC GONZALES AT KLEA PINEDA

Sinorpresa ni Jeric Gonzales si Klea Pineda ng isang bouquet of roses habang nagti-taping sila sa Cebu para sa upcoming Kapuso series na Magkaagaw.

Fresh na fresh ang dating ng tambalang Jeric at Klea pero bukod dito, siniguro ng dalawang Kapuso stars na mas mature na rin ang kani-kanilang roles sa bago nilang teleserye.

Ayon kina Jeric at Klea, talagang pinaghandaan nila ang mature roles nila sa Magkaagaw na ibang-iba sa mga karakter nila sa Ika-5 Utos kung saan una silang nagtambal.

“Sabi ko nga kay Klea, ‘Kailangan na nating makilala ang isa’t isa kasi this is more than knowing each other or being boyfriend and girlfriend.

“‘Yung mga secrets natin medyo kailangan na natin malaman kasi ‘yung relationship natin dito sa work parang dapat solid talaga,” pahayag ni Jeric.

Ngayon pa lang ay excited na ang fans ng tambalang KleRic sa kanilang bagong project sa GMA.

Kapwa produkto ng reality shows ang dalawa. Mula sa Protégé si Jeric habang galing naman sa Starstruck si Klea. Sa Magkaagaw, makakasama nila ang magagaling na aktres na sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending