Marian, Dingdong todo-kayod pa rin para sa future ng 2 anak
NGAYON pa lang ay sigurado na ang future ng dalawang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil sa dami ng projects at endorsements ng Kapuso Primetime King & Queen.
Bata pa lang ay milyonarya nang matatawag ang panganay nilang si Zia Dantes dahil nakailang TV commercial na ito at inaasahang hahataw na rin ang bunso nilang si Ziggy sa mga endorsements very soon.
Nakachikahan sandali ng entertainment media si Marian sa ginanap na opening ng 88th store ng Beautederm sa loob ng Marquee Mall sa Angeles City kamakalawa at dito nga niya inamin na may bago na naman silang project ni Zia.
Alam daw ng bagets na trabaho ang ginagawa niya kapag lumalabas sa commercial at lahat daw ng kinikita nito ay nasa sariling bank account niya. Sey ni Marian, laging may reward o regalo si Zia kapag nakakatapos siya ng commercial.
“Lahat naman ng ginagawa naming trabaho ni Dong, para sa future ng mga bata. Ngayon pa lang gusto na naming i-secure ang future nila,” pahayag ng Kapuso actress-TV host.
Tungkol naman kay Ziggy, baka hindi pa raw sila tumanggap ng endorsement para sa bata though may mga offer na nga silang natatanggap, “Huwag muna si Ziggy, baka kapag more than six months na siya.”
Lahad ni Marian, priority pa rin niya ngayon ang asawa at mga anak kaya hinay-hinay pa rin siya sa pagtatrabaho. Naniniwala siya na ang pagsasakripisyo at pagmamahal sa kanyang pamilya ay may kapalit na blessings.
In fairness naman sa Kapuso Primetime Queen, talagang sunud-sunod ang mga commercial na ginagawa niya, kabilang na riyan ang mga home scents ng Reverie by Beautederm.
Si Marian ang nakasama ni Beautéderm Preseident and CEO Rhea Anicoche-Tan sa grand opening ng kanilang flagship store sa second level ng Marquee Mall sa Angeles, Pampanga. Napakainit ng pagtanggap ng mga Cabalen kay Marian na talagang naghintay sa pagdating niya sa event.
Pinaunlakan din ng misis ni Dingdong ang ilang sumugod sa Beautéderm store na makapagpa-picture sa kanya pagkatapos ng autograph signing.
***
Si Marian ang mukha ng Reverie, ang exquisite line of home scents na kinabibilangan ng mga soy candles, room sprays, at linen sprays – na lahat ay nilikha sa pakikipagtulungan ng aktres upang maging mas kumportable ang bawat tahanan.
Isang consistent Superbrands awardee ang Beautéderm. Ilan sa mga flagship brands nito ay ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang perfume collection nito na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men, at maraming pang iba – na lahat ay pawang top-selling products sa merkado.
Sa ngayon, mayroong humigit sa 1,000 resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ito ng mga produkto araw araw dito at sa abroad sa tulong ng isa sa pinakatanyag na shipping company sa bansa.
Mayroon ding physical stores sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang Beautéderm at isa sa Singapore; at mayroong halos 40 brand ambassadors ang kumpanya na kinabibilnagan ng mga aktor at aktres, mga TV personalities, mga mangaawit, mga beauty queens, mga pulitiko, mga comedians, at mga social media influencers.
“Bukod sa isa si Marian sa aming mga top celebrity endorsers at ang association niya with the brand ay talagang nakatulong sapag-boost ng sales ng aming mga produkto, siya rin ay aking pinakamamahal na kaibigan,” ani Rhea. Aniya pa, “Masarap katrabaho si Marian at isa rin siya sa sweetest and most caring friend anyone could ever hope for. Proud at grateful na kasama namin siya sa Beautéderm team.”
“I feel blessed at honored din sa tiwala na ibinigay sa akin ni Rei para i-represent ang Beautéderm Home,” sabi naman Marian.
“Ito ay dream come true,” sabi ni Rhea. “Ang flagship store na ito ay isanga testament kung ano ang kayang gawin ng hard work, dedication and steadfast prayers.”
Ikinuwento rin ni Marian na may bubuksan na ring Beautederm store ang kanyang ina sa Cavite na magbubukas na very soon at siyempre siya rin ang magka-cut ng ribbon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.