Young JV kumampi kay Gerald: Hindi siya nang-ghosting

By Alex Brosas September 18,2019
share this

Young JV kumampi kay Gerald: Hindi siya nang-ghosting

By Alex Brosas September 18,2019
share this

YOUNG JV, GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO

Todo-tanggol si Young JV sa best friend niyang si Gerald Anderson. Magkasama sila ni Ge sa ABS-CBN Ball, nasa halos isang sulok lang sila, umiinom.

“For me, I stand for where my friend is and alam ko talaga kung saan siya nanggagaling. For me, wala po talagang ganoon, walang panggo-ghost. Hindi ko nga maintindihan, nagulat na lang kami kung bakit may ganoong issue sa kanya,” say ni Young JV sa launching niya as endorser ng FasClean Extra Power Detergent Powder being distributed by Megasoft Hygienic Products.

Nanghinayang si Young JV sa break-up nina Bea Alonzo at Gerald, “Kahit si Ge, ganoon naman siya. He really loves the person so much. Sabi ko sa kanya, kahit na ano ang desisyon mo, we’re always here for you.

“I am happy for Bea. I am happy where she is right now. I wish her all the best. I became close to her in a way kasi siyempre magkasama sila parati. Hindi ko masasabing super close kami pero si Ate Bea naman is super generous to me,” he added.

Aminado si Young JV na naglaba din siya noong bagets pa siya.

“Noong bata pa lang ako, talagang ‘yung Papa ko tinuturuan niya akong maglaba. Sabi niya, bago ka lumabas, bago ka gumimik maglaba ka muna,” chika ni young JV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending