Alden inaatake pa rin ng lungkot kahit sikat at mayaman na

By Cristy Fermin September 17,2019
share this

Alden inaatake pa rin ng lungkot kahit sikat at mayaman na

By Cristy Fermin September 17,2019
share this

ALDEN RICHARDS

Kagabi ay nagbukas na ang kurtina ng bagong pinagbibidahang serye ng Box-Office King na si Alden Richards. Inabangan talaga ng kanyang mga tagasuporta at ng ating mga kababayan ang The Gift.

Mula sa isang matagumpay na pagbibida sa pelikula ay inaasahang makikipaglaban din sa rating ang kanyang serye sa GMA 7 kahit pa hindi nagpapa-pressure ang Pambansang Bae.

Kahit kailan, paikut-ikot man ang tanong, ay hindi kakikitaan ng kayabangan si Alden. Napaka-humble ng binatang ito, walang kaangas-angas, kahit pa isa na siya sa pinakasikat na artista ng kanyang henerasyon.

‘Yun ang katangian ng guwapong aktor na tumatatak sa publiko, bibihira ang tulad niyang sikat na nananatiling nakabaon ang magkabilang paa sa lupa, ‘yun ang kanyang naturalesa na kailangan nating ipagpasalamat sa mga taong gumabay sa kanyang paglaki.

Lumaking sagana sa pagmamahal at paggabay si Alden Richards, nandiyan ang kanyang mga magulang at lola, nakalulungkot nga lang na hindi na nasaksihan ng kanyang ina ang matagumpay niyang karera.

‘Yun ang dahilan kung bakit maligaya man siya dahil sa matinding tagumpay ng kanyang career ay nasasalitan pa rin ‘yun ng lungkot. Bawat bata pa naman ay makaina, itinuturing nilang idolo ang kanilang nanay, na hindi na personal na nagagawa ngayon ni Alden.

Sa puntod ng kanyang ina na lang siya nagsasadya, nananalangin at ibinabalita niya sa kanyang mommy ang mga biyaya at tagumpay na tinatanggap niya, tanging dasal na lang ang kanilang komunikasyon ngayon.

Harinawang hanggang sa huli ay walang pagbabagong maganap kay Alden Richards, mahal na mahal siya ng publiko, na binabalikan din naman niya ng katumbas na pagpapahalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending