Deborah Sun sinayang ang tulong ng mga kapwa artista; sa edad na 60 nakulong pa

By Ronnie Carrasco III September 16,2019
share this

Deborah Sun sinayang ang tulong ng mga kapwa artista; sa edad na 60 nakulong pa

By Ronnie Carrasco III September 16,2019
share this

NATAWA kami sa ulo (pamagat o headline) ng isang Yahoo news tungkol sa pagkakatimbog kay Deborah Sun in a recent buy-bust operation kasama ang sariling anak at iba pa.

Ang point of reference kasi sa lulubog-lilitaw na aktres ay ang 80s cult film nito na “Temptation Island”.

Papel bilang masunuring yaya kay Jennifer Cortez noon ang ginampanan ni Deborah, na sa remake nito’y binigyag-buhay naman ni Rufa Mae Quinto (to Lovi Poe).

Kunsabagay, ‘yun lang ang masasabing claim to fame ng aktres who was also given a part in the remake.
We couldn’t help but recall ‘yung guesting niya noon sa Startalk, ito ‘yung isa pa sa mga hosts nito was Ms.

Lorna Tolentino, ang dati niyang sanggang-dikit na kaibigan. Nope, it wasn’t LT who interviewed Deborah for obvious reasons na alam na alam ng buong showbiz lalo’t mga isinilang noon.

Neither did Lolit Solis conduct the interview. Manager siya siyempre ni LT.

Madamdamin ang direksiyong kinapuntahan ng panayam kay Deborah as she spoke about how life-threatening her medical condition was: meron siyang liver cirrhosis.

Bukod dito’y meron pa siyang mga dalahin sa buhay, na kailangan niyang malampasan. Isa nga sa mga pinasalamatan niya noon ay si (Kuya) Boy Abunda na hindi nagkait ng tulong sa kanya nang minsang sadyain niya ito (naputulan nga ba siya ng kuryente that time?).

Nagsilbi na rin kasing panawagan ang guesting na ‘yon ni Deborah na wala namang ipino-promote na pelikula o TV show. In no time did we see her appear on TV mula noon. Uniti-unti na ring nagkakaroon ng patutunguhan ang kanyang magulong buhay.

Masama mang isipin ay delikado ang lagay niya that time, kung totoo ngang dinapuan siya ng nasabing liver ailment. Baka naman fatty liver lang ‘yon, not really a cause for alarm. ‘Di sana kasi something worse already happened to her, pero hayun at nabasyo pa siya.

Hindi nga lang maiaalis na maidikit kay Deborah ang nananahimik na angkan ng Salvador following her arrest. Bale pamangkin siya ni Phillip at pinsan niya si Maja na bukas-palad din sa pag-ayuda sa kanya. And because Phillip’s name is dragged ay dawit din ang relasyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Minsan na ring hindi pinagkaitan ng tulong ni Aiko Melendez si Deborah whose half-brother Jam ay bunga naman ng ugnayan nila noon ng nasirang amang si Jimi (na napabalitang may schizophremia noon).

Deborah is now 60. Masagwa mang sabihin pero kung kailan naman siya tumanda ay saka pa siya nahirapang umiwas sa temptation.

Minus the island.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending