SUMAMPA na sa 186 metro ang lebel ng tubig sa Angat dam kahapon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Naitala sa 186.54 metro ang lebel ng Angat dam tumaas ng 0.94 metro mula sa 185.54 metro noong Sabado ng umaga.
Ang Normal High Water Level nito ay 210metro.
Tumaas din ang tubig sa La Mesa dam. Mula sa 77.59 metro ay umakyat ito sa 77.65 metro. Ang NHWL nito ay 80.15 metro.
Ang dalawang dam ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.