Magnitude 5.3 tumama sa MM, iba pang kalapit na lugar
NIYANIG ng magnitude 5.3 lindol ang Quezon ngayong hapon ng Friday the 13th at naramdaman ito hanggang Metro Manila.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:28 ng hapon.
Posible umano na nagkaroon ng pinsala dahil sa pagyanig na ito. Inaasahan din ang pagkakaroon ng aftershock.
Ang epicenter nito ay 39kilometro sa silangan ng Burdeos at may lalim na 62 kilometro. Naramdaman ang:
Intensity V- Burdeos at Infanta, Quezon; Los Baños at Pakil, Laguna;
Intensity IV – Jose Panganiban, Camarines Norte; Quezon City; Marikina City; Sta. Cruz, Laguna; Alabat at Gen. Nakar, Quezon;
Intensity III – Guinayangan, Quezon; Muntinlupa City; Manila City; San Jose Del Monte, Bulacan; Bacoor, Cavite; Maddela, Quirino; San Mateo, Rizal; Baler, Aurora; Lucena City
Intensity II- Dingalan, Aurora; Mandaluyong City; Apalit, Pampanga; Taguig City; at Lucban, Quezon
Intensity I- San Isidro, Nueva Ecija; Gapan City; at Meycauayan, Bulacan
Naglabas din ng Instrumental Intensity ang Phivolcs. Ito ang naramdaman ng kanilang mga instrumento:
Intensity V – Polilio, Quezon
Intensity IV – Jose Panganiban, Camarines Norte; Quezon City; Alabat at Mauban, Quezon
Intensity III – Guinayangan, Quezon; Marikina City; Baler, Aurora; Tagaytay City; Quezon City; at Navotas City
Intensity II – Mulanay, Lucban at Gumaca, Quezon; Malolos at San Ildefonso, Bulacan; Guagua, Pampanga; Las Pinas City; Pasig City; San Juan City; Caloocan City; Malabon City; Muntinlupa City; at Calumpit, Bulacan
Intensity I – Talisay, Batangas; Olongapo City; at San Jose, Nueva Ecija
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.