SA Linggo pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Marilyn na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat.
Sa paglabas ng bagyo ay may tyansa na ito ay bumalik sa loob ng PAR sa Martes o Miyerkules bago tuluyang malusaw.
Ang bagyo ay umuusad sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong hilagang kanluran.
Umaabot ang bilis ng hangin nito sa 55 kilometro bawat oras at pagbugsong 70 kilometro bawat oras.
Maliit ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.