Vhong ikakasal na sa Nobyembre, tatapusin lang ang Mang Kepweng

By Reggee Bonoan September 13,2019
share this

Vhong ikakasal na sa Nobyembre, tatapusin lang ang Mang Kepweng

By Reggee Bonoan September 13,2019
share this

TANYA BAUTISTA AT VHONG NAVARRO

IKAKASAL na pala si Vhong Navarro sa long time girlfriend nitong si Tanya Winona Bautista ngayong Nobyembre, 2019. Narinig namin ang tungkol dito base sa usapan ng ilang taga-ABS-CBN.

Ayon sa isang taong narinig naming nagsasalita habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kasama, “May ginagawa palang pelikula ngayon si Vhong, ‘Mang Kepweng 2’ daw, kaya pala sabi niya dapat matapos na bago siya ikasal kasi nga magbabakasyon sila.”

Hmmmm, nag-set visit kami sa first shooting day ni Vhong sa “Mang Kepweng 2” pero wala naman siyang nabanggit tungkol sa nalalapit nilang kasal ng girlfriend niya. Sige sa susunod na dalaw namin sa set ng kanyang bagong pelikula ito ang tatanungin namin agad sa kanya.

Anyway, tuluy-tuloy pa rin ang pakikinig namin sa tsikahan tungkol kay Vhong pero naiba ang usapan nang makahalatang nakikinig kami. Ha-hahaha! Kaya wala na kaming nakuhang ibang detalye tungkol sa wedding ng TV host-comedian.

Going back to “Mang Kepweng 2”, sa 2020 ito ipalalabas base sa nakausap naming taga-production dahil marami daw effects na gagawin kaya bubusiin itong mabuti ni Direk Topel Lee. Hindi na raw ito aabot sa Metro Manila Film Festival 2019.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay kasalukuyang nagsu-shooting sa bundok ng Montalban sina Barbie Imperial na leading lady ni Vhong at Joross Gamboa bilang kontrabida ni Mang Kepweng.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending