Iñigo, Maris sweet na sweet pa rin kahit break na; loyal MarÑigo fans asa pa rin sa balikan

By Jun Nardo September 12,2019
share this

Iñigo, Maris sweet na sweet pa rin kahit break na; loyal MarÑigo fans asa pa rin sa balikan

By Jun Nardo September 12,2019
share this


INALALA ni Iñigo Pascual ‘yung panahong nagpakilala siya kay Maris Racal sa Twitter limang taon na ang nakararaan.

Inilabas muli ni Iñigo ang Twitter post ng pag-introduce niya sa sarili kay Maris.

“Hi Maris, im Iñigo. This is akward way to introduce myself but hi! Hahaha!” lakas loob na tweet ng binatang anak ni Piolo Pascual.

Sinagot naman siya ni Maris ng, “Hello Iñigo! Im Maris. Hahaha.”

Fast forward: after five years, nagkaroon ng premiere ang una nilang movie na magkasama, ang “I’m Ellenya L”, na isa sa entries sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Napunta sa pagkakaroon ng relasyon ang pagkakilala ng dalawa pero hindi rin ito nagtagal.

Pero sa pelikula nila, malakas ang kilig factor ng kanilang tambalan sa manonood. Saka sa totoo lang, bago ang konsepto ng “I’m Ellenya L” na tungkol sa isang millennial na gustong sumikat bilang vlogger/influencer.

Sumikat naman siya at nag-viral pero nakakaloka ang naging daan para umabot sa 11 million views ang isa sa mga video niya!

Sa totoo lang, maayos ang direksyon ni Boy 2 Quizon sa kanyang first directorial job. Magagalig din sina Iñigo at Maris pati na iba pang members ng cast.

Kaya swak na swak ang kuwento nito sa bagong henerasyon na nagiging instrumento ang gadgets at social media upang makamit ang kanilang mga pangarap.

Take note, na kahit hiwalay na ay magkasama pa ring dumating sa premiere night sina Iñigo at Maris, pansin nga ng kanilang fans parang hindi naman daw sila nag-break dahil sweet pa rin sila sa isa’t isa.

Kaya nga ang ilang MarNigo fans abangers pa rin sa posibleng pagbabalikan ng mag-ex.

Dumating din sa premiere night sina Loisa Andalio, Nikki Valdez, Darren Espanto, Erik Santos, Kirst Viray, Jane Oineza at Piolo Pascual.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending