Naiinggit ba si Desiree sa kasikatan ngayon ni Dimples?

By Alex Brosas September 11,2019
share this

Naiinggit ba si Desiree sa kasikatan ngayon ni Dimples?

By Alex Brosas September 11,2019
share this

HINDi naiinggit si Desiree del Valle sa kasikatan ni Dimples Romana whose Daniela Mondragon in Kadenang Ginto made her a  household name.

“I am happy for Dimples. I am very proud of her. Maganda ‘yung nangyari sa kanya, nag-trending siya at nanalo pa siya ng award sa social media. I don’t wanna aim for that. I am just  happy and contented with what I am doing. 

“Bonus na nga lang din ‘yun kung mangyari iyon. Pero that will never be my intention. I just wanna act and I love what I am doing. I am okay with that. And I am very happy for her,” say ni Desiree who plays a kontrabida sa latest weekly series na Parasite Island. Siya si Queenie, ang asawa ni Michael Flores.

“I am just really thankful na hanggang ngayon I am still here. I am thankful na every year ay mayroon pa rin naman akong ginagawa. Hindi ako umaangal kahit kontrabida pa rin ang ibabato sa akin.  

“I am thankful na marami pa ring naiinis sa akin.  That means I am doing  my job well. I am happy with the cast,” dagdag pa niya.

Kahit na matagal na siya sa showbiz, walang hang-ups ang aktres at hindi siya maarte sa kanyang co-stars. Okay lang sa kanya kung magkamali minsan ang kanyang kaeksena.

“No, kasi kahit naman ako, kahit  sinasabi ko na matagal na rin ako dito sa showbiz, I am still learning. I still want to improve,” say niya.  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending