KC single na uli: Yes, I’m open…I’m fresh! 

By Ervin Santiago September 11,2019
share this

KC single na uli: Yes, I’m open…I’m fresh! 

By Ervin Santiago September 11,2019
share this

KC CONCEPCION

HINDI man diretsong inamin ni KC Concepcion, mukhang matagal na nga silang hiwalay ng kanyang French businessman boyfriend na si Pierre Lassart.

Ang paniwala kasi ng kanyang mga fans and followers ay single na uli si KC base na rin sa mga Instagram posts niya. Matagal na kasi siyang hindi nagpo-post ng mga litrato nila ni Pierre at sa isang IG post nga niya ay parang nagpahiwatig na single na uli siya.

At sa isa ngang panayam, natanong si KC tungkol sa status ng kanyang lovelife, ito lang ang naging sagot ng dalaga, “I’m fresh. As fresh as my foundation. Ha-hahahaha! I’m open. I’m open. Yes. I am (sa pakikipag-date). Dating around. Ha-hahaha!” 

Recently, nag-post ang actress-singer sa kanyang Instagram tungkol sa “single ladies.” Aniya sa caption, “Living on my own, I nursed myself for a full week to get through the seasonal flu.

“These are the times we single ladies probably wish we had someone by our side at home. It’s really about how much Love surrounds you!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending