Alex inireklamo sa Immigration, buntis tinangkang singitan sa pila

By Ervin Santiago September 11,2019
share this

Alex inireklamo sa Immigration, buntis tinangkang singitan sa pila

By Ervin Santiago September 11,2019
share this

ALEX GONZAGA

NIRESBAKAN ni Alex Gonzaga ang isang netizen na nagpakalat ng chika na siningitan niya sa pila sa immigration ang isang buntis. 

Nag-start ang issue nang mag-post sa Twitter ang Kapamilya TV host-vlogger na na-late siya patungong airport dahil sa traffic sa sinuong niyang traffic. 

Patungong Japan si Alex kasama ang mga magulang na sina Pinty at Bonoy Gonzaga, pero hindi nga sila umabot sa kanilang flight (10 a.m.). Kaya napilitan silang mag-purchase ng bagong tickets para sa 3 p.m. flight.

May isang netizen ang nag-tweet ng screengrab ng Facebook post ng nagpakilalang kaibigan ng pasaherong siningitan umano ni Alex sa immigration. 

Caption nito sa kanyang Twitter post, “Shutanginamesh alex gonzaga kagaspangan ng ugali mo nagumpisa ka na naman wala ka patawad pati friendship ko.. nakakaloka ampotah!”

Narito naman ang mensahe sa Facebook ng sinasabing buntis na pasahero na siningitan daw ng kapatid ni Toni Gonzaga, “Alex Gonzaga just tried to cut me at the immigration queue. What’s with entitled Filipino celebrities? lol.”

Dito na nagpaliwanag si Alex, aniya, may bagong counter na nag-open at sinabihan siya na doon na pumila dahil senior citizens naman daw ang mga magulang niya.

Isang buntis daw ang lumapit sa kanila at nakiusap kaya pinauna na nila ito sa pila, “You weren’t there kaya wag ka magsalita as if alam mo.

“Kasama ko senior citizens, di kami pa-entitled. Nung nagsabi ‘friend’ mo pinauna namin sya,” pahayag pa ng aktres.

Hirit naman sa kanya ng netizen, “So natandaan mo pala ang friend ko?” na sinagot uli ni Alex ng, “Sa totoo lang kaya ko sya naaalala kasi nabastusan ako sa ginawa nya dahil habang kausap ng mommy ko at yung dalawang matanda dahil nagpapaalam siya basta dumaan sa gitna friend mo at nagsabi sya daw dapat (mauna). Tinanong pa ng daddy ko sino daw yung dahil nagulat sila.”

Dagdag pa ni Alex, hindi binastos ni Mommy Pinty ang buntis sa katunayan, pinayagan pa nga nila itong mauna sa pila.

“There was no issue. Nakakalungkot kailangan nya palakihin. Anyway, I said my piece. Off to positivity and enjoy my trip,” pahayag pa ni Alex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending