Kilalang male celeb problema ng manager, tinatamad magtrabaho kapag in-love

By Cristy Fermin September 11,2019
share this

Kilalang male celeb problema ng manager, tinatamad magtrabaho kapag in-love

By Cristy Fermin September 11,2019
share this

AMINADO ang malalapit sa isang kilalang male personality na kapag nai-in-love siya ay umiiral ang kanyang katamaran. Nawawalan siya ng gana sa pagtatrabaho.

Sa halip na maging inspirasyon ay kabaligtaran ang nagaganap sa buhay at career ng lalaking personalidad. Tinatamad siya, nawawalan ng disiplina, kaya hirap na hirap ang kanyang manager.

Kuwento ng isang source, “Bakit ganu’n? Kung kailan siya dapat inspired sa pagtatrabaho, e, saka naman siya nawawala sa hulog? Mahirap siyang katrabaho!

“Parang gusto niya munang magpahinga sa pagwo-work, parang nawawalan siya ng gana, instead na maging mabilis sana siyang kumilos dahil may nagpapaligaya sa kanya!

“Kaya kapag meron na siyang lovelife, e, alam na agad ng manager niya na magkakaroon ng problema sa kanya. Mahihirapan siyang gumising, tatamarin siyang magtrabaho, lalabas ang lahat ng problema,” umpisang chika ng aming impormante.

Masyado palang emosyonal ang male personality na ito, kinakarir niya talaga ang pakikipagrelasyon, nakatuon lang ang utak niya sa babaeng mahal niya.

Patuloy ng aming source, “Masyado siyang intense magmahal, malalim, kaya kapag nagkakaroon sila ng problema ng girl, e, parang katapusan na ng mundo niya.

“Nu’ng naging sila ng isang young actress, e, takot na takot sa kanya ang mommy nu’ng bagets, kasi nga, kapag nagkakaroon sila ng problema, e, sinasabi ng guy na magpapakamatay siya.

“Natural, kinabahan ang mommy ng girl, baka nga naman sa housing authority pa nila maisip ng guy na tapusin ang buhay niya, di ba?

“Gumawa talaga ng paraan ang family ng girl na mahiwalay sa kanya ang young actress, inilayo sa kanya, wala siyang nagawa! Ganu’n siya katinding magmahal, nakatutok lang ang attention niya sa babae,” reaksiyon ng aming impormante.

Heto, inlabey na naman ang male personality, kung anu-anong mga litanya na naman ang ipino-post niya, na sinasagot naman ng kanyang bagong girlfriend, kaya siguradong tatamarin na naman siya sa pagtatrabaho.

“Mark my word, makikita n’yo, magkakaproblema na naman sa kanya ang production dahil in-love na naman siya,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sino ang male pesonality na ito, ha? Walk in the park na lang itey!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending