‘Sa Dulo Ng Buhay Ko’ patuloy na naghahasik ng lagim | Bandera

‘Sa Dulo Ng Buhay Ko’ patuloy na naghahasik ng lagim

|September 09,2019
facebook
share this

‘Sa Dulo Ng Buhay Ko’ patuloy na naghahasik ng lagim

- September 09, 2019 - 12:55 AM
MAS lalo pang ikasisindak ng Kapuso viewers ang mga susunod na eksena sa inaabangan afternoon horror-suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko. Bukod sa pagmumulto ni Naomi (Kris Bernal) para maghiganti sa mag-asawang Matteo (Rayver Cruz) at Yvie (Megan Young), abangan kung magpapakita pa ang kaluluwa ni Ben (Rodjun Cruz) sa kanyang naulilang girlfriend na si Katya (Kim Domingo). Ano ang kailangang malaman ni Katya tungkol sa pagkamatay ni Ben? Magpakita pa kaya ang yumaong binata sa kanya? At ngayong alam na ni Santino na ampon lang siya nina Matteo at Yvie, ano ang susunod na gagawin ni Naomi para maiparamdam muli sa mag-asawa ang sakit na kanyang dinanas nang dahil sa matinding pagmamahal kay Matteo? Patuloy na subaybayan ang mga mas tumitindi pang kaganapan sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime. Kasama pa rin dito sina Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto, Boots Anson-Roa, PJ Abellana, Patricia Tumulak, Beverly Salviejo at marami pang iba, sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending