Kris Bernal sa usaping pag-ibig: Kaya kong pumatay! | Bandera

Kris Bernal sa usaping pag-ibig: Kaya kong pumatay!

Bandera |October 19,2019
facebook
share this

Kris Bernal sa usaping pag-ibig: Kaya kong pumatay!

Bandera - October 19, 2019 - 01:10 AM

KRIS BERNAL, RAYVER CRUZ AT MEGAN YOUNG

KAYA nga bang pumatay ng Kapuso Drama Princess na si Kris Bernal para sa pag-ibig?

Ngayong hapon na ang finale ng Kapuso afternoon horror-suspense-drama na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na pinagbibidahan nina Kris, Rayver Cruz, Kim Domingo at Megan Young.

Ayon kay Kris, this is it! Malalaman na ng Kapuso viewers kung matatahimik na ba ang kaluluwa ng karakter nilang si Naomi o mas titindi pa ang kanyang kapangyarihan para maisama sa hukay ang lalaking pinakamamahal na ipinagpalit siya sa iba.

“Abangan nila kung mapapatay ko ba si Yvie (Megan) at kung makukuha ko si Matteo (Rayver) hanggang sa dulo ng buhay ko!” chika ni Kris.

Natanong ang Kapuso actress kung sa tunay na buhay ba, ano ang kaya niyang gawin hanggang sa dulo ng buhay niya alang-alang sa pagmamahal niya sa dyowang si Perry Choi.

“Wow, for Perry pala. Ha-hahaha! Kaya kong pumatay. Charing! Hindi, malaking bagay kasi yung time e, so feeling ko I can sacrifice my time for love.

“Time kasi is so precious, e. Pero like ngayon, pag busy, ganu’n kaya kong i-sacrifice yung, let’s say sometimes yung work ko, just to have time with you. Mga ganu’n, malaking bagay yun,” lahad ng dalaga.

Never daw naging issue sa kanila ang pagiging busy niya as an actress and as a businesswoman,

“Naiintindihan niya yung work ko, e. Iyon naman ang importante. Pag walang time, walang time talaga. Hindi rin naman siya too clingy.”

***

Samantala, ngayong patapos na ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, sinabi ni Kris na marami na naman siyang natutunan sa pagganap bilang naghihiganting multo.

“This is a very different kontrabida role for me dahil first time kong naging multo at na-explore ko ‘yung kakaibang character ni Naomi. It was very challenging to portray her and to understand bakit ganu’n kalalim ‘yung galit niya, but I’m also very happy dahil nakakatuwa ‘yung feedback na natanggap ko from the viewers. It’s very fulfilling.”

Para naman kay Megan, hinding-hindi niya malilimutan ang naging experience niya sa HSDNBK lalo na ang mga nakatrabaho niya sa serye, “Lahat sila first time ko makasama sa trabaho and I enjoyed working with them very much. Si Kris, she’s all happy and fun pero pagdating niya sa set, sobrang

professional.
“Si Rayver naman, he’s very happy-go-lucky, walang bad vibes and he’s a very good co-actor. And si Kim, sobrang saya niya kakwentuhan, she has a lot of stories to tell and she’s very warm. I’m very happy I got the chance to meet and be close to all of them,” sabi ng beauty queen-actress.

Chika ni Rayver, “Napaka-professional ng buong team, si Direk Jorron (Lee Monroy) lahat ng staff at crew, napakagaan katrabaho. Ang sarap gumising at pumunta sa taping dahil kahit mabigat ‘yung mga eksena, walang mabigat na vibes sa set. Talagang naging magkakaibigan kaming lahat.”

Ito naman ang masasabi ni Kim na na-challenge rin nang bonggang-bongga sa pagsanib sa kanya ni Kris, “Isa ito sa mga pinakamahirap na nagawa ko kasi may switching ‘yung character ko from mabait to masama.
“Hindi siya madali pero masaya ako na nabigyan ako ng guidance at ramdam ko ‘yung closeness namin sa set. Very memorable sa akin ang series na ito,” lahad ng Kapuso sexy actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang haunting finale ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay ko ngayong hapon sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending