Kris Bernal nilalandi ng ilang aktor kahit may dyowa na | Bandera

Kris Bernal nilalandi ng ilang aktor kahit may dyowa na

Ervin Santiago |September 22,2019
facebook
share this

Kris Bernal nilalandi ng ilang aktor kahit may dyowa na

Ervin Santiago - September 22, 2019 - 12:40 AM

KRIS BERNAL AT RAYVER CRUZ

MARAMI pa ring naglalandi at nagpaparamdam na mga lalaki kay Kris Bernal kahit alam ng nga ito na may boyfriend na siya.

Ayon sa Kapuso drama actress, may mga non-showbiz at artistang nakikipag-flirt sa kanya sa pamamagitan ng direct message sa social media.

Sa isang panayam, natanong ang lead star ng afternoon series ng GMA na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko kung na-obsessed na ba siya sa isang lalaki tulad ng karakter niya sa serye nila ni Rayver Cruz.

Hindi pa raw niya naranasan na mabaliw sa pag-ibig, “Kasi pag na-obsess ako sa isang guy, sa akin sila mapupunta. Ha-hahaha!” sagot ni Kris. At dito na nga niya inamin na sa kanya raw maraming nao-obsess.

“May artista at saka alam mo marami, alam naman natin dito sa showbiz, maraming malalanding artista, tigilan niyo ako! Seen zone ko lang talaga, hindi ko pinapansin,” pahayag ng dalaga.

“Siguro, kung bata-bata ako. Pero ngayon na nasa edad na ako, tapos mamamansin ako ng mga ganyan. Sa ngayon, parang kapag may nagme-message sa akin na mga artista, tapos alam naman nilang may boyfriend ako, parang, ‘Alam niyo naman, di ba? Bakit kailangan niyong maglandi?’ Mga ganu’n, kaya seen zone lagi sila,” paliwanag pa ng Kapuso star.

Tungkol naman sa kasal, may plano na ba silang mag-settle down ng boyfriend niyang businessman na si Perry Choi? “Matagal pa, siguro in three to four years, hindi kami nagmamadali. Pero siyempre, gusto ko rin of course magka-family. Siyempre, gusto ko rin, mga three children.”

E, paano kung biglang nag-propose sa kanya si Perry? “Natatakot ako! Ha-hahaha! Pero I’m sure hindi naman ako magno-no! O, ayan, sinabi ko na! Ha-hahaha!”

“Hindi ako magno-no pero, hindi ko kasi alam kung ano ang puwedeng mangyari sa career ko if, you know, pag pumasok ako sa ganu’n, pag kasal na ako,” dagdag pa niya.

Samantala, bukod sa pag-aasikaso sa kanyang mga business, kinakarir rin ni Kris ang mga eksena niya sa Kapuso horror-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko bilang si Naomie na mas matinding paghihiganti ang gagawin ngayon laban sa mag-asawang Matteo (Rayver) at Yvie (Megan Young).

Abangan ang mga susunod na paghahasik niya ng kasamaan ngayong nagawa na niyang saniban ang katawan ni Katya (Kim Domingo) para akitin si Matteo at tuluyan nang iwan si Yvie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ni Kris, siguradong ikagugulantang ng viewers ang mga susunod na episode ng HSDNBK kaya huwag nang bibitiw sa laging trending at pinag-uusapang horror serye sa GMA after Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending