Sikat na TV host-comedian inakusahan ng pambu-bully: Grabeng mag-power trip | Bandera

Sikat na TV host-comedian inakusahan ng pambu-bully: Grabeng mag-power trip

Cristy Fermin |September 08,2019
facebook
share this

Sikat na TV host-comedian inakusahan ng pambu-bully: Grabeng mag-power trip

Cristy Fermin - September 08, 2019 - 12:45 AM

HINDI sa lahat ng panahon ay kinaaaliwan ng mga kababayan natin ang isang sikat na komedyante.

Tama, nakakatuwa ang mga kuwento ng kanyang nakaraan na inililitanya niya sa kanyang programa, pero hindi sa lahat ng oras ay kakampi niya ang buong bayan.

May mga panahon ding kinaiinisan na siya, umo-OA na raw kasi ang dating niya sa ere, napakarami niyang binibitiwang salita na pinipilosopo lang niya ang mga senaryo.

Kuwento ng isang source, “Dati, sinusundan namin siya araw-araw, pero nu’ng kalaunan na, e, nagsawa na rin kami! Ipinagbubuyangyangan pa kasi niya pati ang lovelife niya na hindi pa naman tanggap ng lahat!

“Kung may mga naaaliw sa mga ginagawa niya, mas marami ang hindi na natutuwa sa kanya! Sarilinin na lang dapat niya ang romansa sa pagitan nila ng isang guy na pinagbibintangan ng mga bashers na pera lang naman ang habol sa kanya!” seryosong pagpuna ng nasabing source.

Napapansin din ng manonood na mahusay siyang magbato ng mga jokes, kesehodang may nasasaktan pa sa mga biro niya, pero kapag siya naman ang binabalikan ng ganti ng mga kasamahan niya ay nag-aalburoto ang becking komedyante-TV host.

Isang source naman ang nagkomento, “Kung ayaw niyang nabibiro siya, e, tantanan din niya ang pambu-bully sa mga kasamahan niya! Hindi na basta joke lang ang mga ginagawa niya, bullying na ‘yun!

“Kapag siya naman ang binabalikan ng biro, e, nagpapakita siya agad ng pagkapikon na para bang isa siyang sacred cow na hindi puwedeng gantihan ng mga kasamahan niya!

“Power trip? Na parang sinasabi niya na siya ang pinakabida ng show, kaya walang karapatan ang mga katrabaho niya na biruin din siya?

“Naku, ha? Kahit sa production mismo, e, marami na ring naririndi sa becking ‘yun! Dumarating siya sa oras na gusto niya, pero ni wala siyang advise man lang sa production na male-late siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Power trip uli? Isang araw, hindi na rin niya magiging kakampi ang kapalaran, mababawasan na rin ang ningning ng name niya. Walang forever, ’no!

“At Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kapag nanghingi pa naman kayo ng clue n’yan, e, isa lang ang masasabi ko! Hindi maganda ‘yan!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending