McCoy inaamuy-amoy si Roxanne | Bandera

McCoy inaamuy-amoy si Roxanne

Reggee Bonoan |September 08,2019
facebook
share this

McCoy inaamuy-amoy si Roxanne

Reggee Bonoan - September 08, 2019 - 12:05 AM

MACCOY DE LEON AT ROXANNE BARCELO

MUKHANG type nga ni McCoy de Leon ang babaeng mas may edad sa kanya. Kilig na kilig kasi siya kay Roxanne Barcelo na leading lady niya sa pelikula nilang “G!” kung saan kasama rin sina Jameson Blake, Mark Oblea at Paulo Angeles mula sa Cineko Productions.

Hindi ba nga’t naibigay ng binata ang kanyang virginity sa babaeng mas older sa kanya? Sabi nga niya, “Sobrang relate po ‘yung karakter ko sa G.”

Sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 Grand FanCom na ginanap sa SMX Convention Center ay speechless ang “G!” boys sa seksing kasuotan ni Roxanne pero halatang-halata si McCoy dahil nahihiya siyang lumapit sa dalaga.

May nakita kaming video na nag-selfie ang cast ng “G!” at si McCoy ay ilag na ilag kay Roxanne kaya itinutulak siya ng mga kasama. At may nakita rin kaming photo na tila inaamoy ng binata ang dalaga.

Tinutukso ang aktor ng mga kasama at hindi makapagsalita habang si Roxanne naman ay natatawa na lang sa reaksyon sa kanya.

Base sa kuwento ng “G!” ay isa ang maa-experience ng sex sa bucket list ni Sam (McCoy) kasama ang mga kaibigang sina Dom (Jameson), Wacks (Mark) at Bry (Paulo). At si Roxanne bilang si Sandy ang babaeng magtuturo sa kanila at inuna niya si Sam na hiyang-hiya dahil nga first time niya kaya kinailangan pa siyang i-one on one ni direk Dondon Santos kung ano ang gagawin.

“Sabi ni direk Don, ‘manyak lang’ kaya sinunod ko naman po,” sabi ng aktor.

Anyway, sobrang gentleman ni McCoy at pansin din ng mga taga-production na konserbatibo siya kaya siguro mahiyain. At nabanggit din naman ng aktor na mas gusto niya na kasal muna bago ang sex kaso hindi naman niya natupad dahil nga nangyari na.

Mapapanood na ang “G!” sa Set. 13 bilang entry 3rd PPP na kasabay din ng pagdiriwang ng 100th anniversary ng Philippine Cinema. May premiere night ito sa Martes, Set. 10 sa Cinema 5, SM North, Quezon City.

Kasama rin sa movie sina Kira Balinger, Rosanna Roces, Jao Mapa, Gio Alvarez, Dominique Roque, Moi Bien, Alora Sasam, Nick Parker, Precious Lara Alcaraz at Joey Marquez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending