Marian malabong mapasama sa ‘DOTS’ ni Dingdong: Baka may leading lady na s’ya
MALABONG pagbigyan ni Marian Rivera ang kahilingan ng fans at netizens na maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun.
Rason ni Yan Yan sa ginanap na mediacon para sa pagbabalik niya bilang host ng weekly drama anthology na Tadhana, “Sa ngayon hirap talaga, kasi Nueva Ecija ‘yung location nila tapos two days straight wala silang uwian. So paano ‘yon?”
Ayon pa kay Marian, ayaw naman niyang kaladkarin sa malayuang taping ang anak na si Ziggy. Bukod dito siya rin daw ang naghahatid at nagsusundo kay Zia sa school.
“Ang hirap magsalita tungkol sa show na ‘yan kasi di ba, kawawa naman baka may leading lady na tapos pinu-push ninyo ako,” dagdag pa ng GMA Primetime Queen.
Hiling ng manonood ng Tadhana ay magsama sila ni Dong sa isang special episode, “Hahanap kami ng time na kung hindi man siya ang director, eh kaming dalawa ang bida. Kakausapin ko uli ang asawa ko,” saad ni Yan.
“Siyempre looking forward naman ako na makatrabaho ‘yung asawa ko pero sa tamang panahon,” dagdag ni Yan.
Anyway, ngayong September ay month-long ang drama specials na mapapanood sa Tadhana simula ngayong araw sa episode na “Serial Killer” na pagbibidahan nina Rhian Ramos at Benjamin Alves.
Kasunod nito ang episode naman ni Lovi Poe na “Maid CEO.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.