Reklamador na male singer napilitang mag-sorry sa mga katrabaho | Bandera

Reklamador na male singer napilitang mag-sorry sa mga katrabaho

Cristy Fermin |September 07,2019
facebook
share this

Reklamador na male singer napilitang mag-sorry sa mga katrabaho

Cristy Fermin - September 07, 2019 - 12:40 AM

MISMONG mga nakakatrabaho ng isang kilalang male singer ang nagkukuwento na napakalaki na ng kanyang ipinagbago. Malayung-malayo na raw siya sa dating performer na masyadong reklamador.

At hindi lang basta siya mareklamo, nagbibilang pa siya ng exposure sa isang variety show kung saan siya regular na napapanood, ganu’n ang male singer nu’ng mga nakararaang panahon.

Kuwento ng aming impormante, “At sobrang nakatutok nu’n ang attention niya sa mga kasamahan niyang singer, binibilang niya ang production number ng mga co-singers niya!

“Kapag napansin niya na marami ang sa iba, e, asahan n’yo nang magrereklamo siya kung bakit isa lang ang kakantahin niya! Nagbibilang talaga siya!” umpisang chika ng aming source.

Pero mula nu’ng nakarating sa mga bossing ng show ang mga reklamo niya ay nakainitan na siya. Sa halip na marami siyang partisipasyon sa programa ay mas kumokonti pa nga dahil masyado siyang mapagbilang at reklamador.

“Sobra kasi ang believe ng male singer na ‘yun sa talent niya, ang feeling niya, e, siya na ang pinakamagaling sa grupo nila. World class kuno ang performance niya!

“Napansin niya na instead na siya ang isama sa mga production numbers, e, iba na lang ang isinasama, mga baguhan pa nga ang iba, di hamak na mas magaling siya sa mga ‘yun, pero ineetsapuwera siya!

“May nagkuwento sa kanya kung bakit, kinainisan pala siya ng mga production staff dahil sa pagiging reklamador niya. Mas ipinaramdam sa kanya ng mga namamahala ng show na kahit wala siya, e, tatayo ang mga production numbers.

“Ayon, wala siyang naging choice kundi ang mag-sorry sa mga taong nasagasaan niya sa show.

Kailangan niyang humingi ng sorry, or else, baka maging katapusan na ‘yun ng career niya!

“Ang dami-dami pa naman niyang nakukuhang raket nang dahil sa variety show na ‘yun, kaya kung hindi na siya magkakaroon ng exposure, e, paano na ang career niya?

“Behave na siya ngayon, hindi na siya reklamador, hindi na rin siya nagbibilang ng exposure, ang pinakikialaman na lang niya ngayon, e, ang pagbirit niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mismo! Kahit ang pagkataas-taas na nota, e, kayang abutin ng male singer na itey, kaya siguradong getlak n’yo na kung sino siya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kayo pa ba naman ang mapag-iiwanan tungkol sa biriterong male singer na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending