ABS-CBN tuloy ang paghahari sa TV rating; ‘Killer Bride’ ni Maja pasok agad sa Top 10 | Bandera

ABS-CBN tuloy ang paghahari sa TV rating; ‘Killer Bride’ ni Maja pasok agad sa Top 10

Bandera - September 07, 2019 - 12:20 AM

GEOFF EIGENMANN AT MAJA SALVADOR

PATULOY ang pagtutok ng mga kabahayan nationwide sa ABS-CBN noong Agosto sa paghahatid nito ng makabuluhang mga balita at nakakaantig na mga programa sa TV, kaya naman nakapagtala ang network ng 45% na average audience share, ayon sa Kantar Media.

Tinututukan pa rin ng buong sambayanan ang FPJ’s Ang Probinsyano (35.8%) ni Coco Martin na hawak pa rin ang titulo bilang pinakapinapanood na show nationwide sa apat na taon nito sa telebisyon.

Tulad ng Probinsyano, paboritong weekend show naman ng viewers ang nagbabalik na The Voice Kids (35.5%).

Marami rin ang hindi bumibitaw sa aksyon at dramang hatid ng serye ni Angel Locsin na The General’s Daughter (30.9%) gabi-gabi, habang pinatunayan ng weekend shows na Hiwaga ng Kambat (30.6%) (nina Maymay Entrata at Edward Barber) at ang Maalaala Mo Kaya (30.2%) ni Charo Santos, na malapit sa puso ng mga Pinoy ang mga programang may kapupulutan ng aral.

Kinumpleto naman ng TV Patrol (28.1%), Home Sweetie Home: Extra Sweet (24.2%), Kadenang Ginto (22.7%), at The Killer Bride (22.5%), na pumasok agad sa top 10 ang listahan ng pinakapinapanood na TV shows nationwide.

Dito pinatunayan ni Maja Salvador na matindi pa rin ang kamandag niya sa mga manonood bilang La Primera Bida-Contravida! Mula sa kanyang iconic character bilang Lily Cruz sa Wildflower, mainit pa rin ang pagtanggap ng viewers sa kanya bilang si Camilla.

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa iba’t ibang time blocks. Sa primetime (6 p.m. -12 midnight), nagtala ang Kapamilya network ng 48% share.

Sa afternoon block (3 p.m. – 6 p.m.), 47% ang nasungkit ng ABS-CBN, habang naka-46% naman ito sa noontime block (12 noon – 3 p.m.). Nakapagtala naman ng 39% ang Kapamilya network sa morning block (6 a.m. – 12 noon).

Humataw rin ang Kapamilya network sa Metro Manila, kung saan nakakuha ito ng 41% share; 36% naman ang average audience share ng ABS-CBN sa Mega Manila.

Pagdating naman sa Total Luzon, panalo ang ABS-CBN na may 41% at namayagpag din ito sa Total Visayas, kung saan nakapagtala ito ng 55%, pati na sa Total Mindanao kung saan may 52% itong average audience share.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending