Sumpunging female celeb 'tulog' habang naglalakad; pati nguso laging humahaba | Bandera

Sumpunging female celeb ‘tulog’ habang naglalakad; pati nguso laging humahaba

Cristy Fermin - September 05, 2019 - 12:10 AM


KABISADO na ng kanyang mga katrabaho ang pabagu-bagong mood ng isang pamosong female personality. Hindi na bago para sa kanila ang pagiging sumpungin ng aktres.

Ang bago para sa mga ito ay kapag masaya siya, ano raw kaya ang nakain niya sa agahan, para maging maganda ang kanyang mood?

Kuwento ng aming source, “Si ____ (pangalan ng kilalang female personality)? Ay, alam na alam na ng mga co-stars niya ang likaw ng bituka nu’n! Hindi na sila naaapektuhan kung dumating man siyang nanghahaba ang nguso at walang kibo!

“Sa tagal na ng panahong nagkakasama-sama sila sa trabaho, e, kapado na ng mga kasamahan niya ang sumpong ng babaeng ‘yun! Sanay na sila, sobrang immune na!” umpisang chika ng aming impormante.

May mga pagkakataon pala na naglalakad ang aktres na parang walang nakikita, basta lakad lang siya nang lakad, para siyang natutulog habang naglalakad.

Balik-kuwento ng aming source, “Nu’ng minsan, e, nakita siya ng mga katrabaho niya na parang tulog habang naglalakad, pero hindi naman pala, dahil naiiwasan niya ang mga harang sa dinadaanan niya!

“Parang tulog kasi siya habang naglalakad, kaya natural lang na nag-alala ang mga nasa paligid dahil baka bigla na lang siyang mabangga! Pero part lang ng sumpong niya ‘yun!

“Ayaw niyang kumibo, ayaw niyang bumati kahit kanino, kaya ang drama niya, e, parang tulog lang siya habang naglalakad. Ganu’n ang mga kalokahan ng babaeng ‘yun!” napapailing na kuwento ng aming source.

Kahit ang mga dati niyang karelasyon ay sanay na sa takbo ng kanyang emosyon. Kapag ayaw niyang makipag-usap sa boyfriend niya, carry ‘yun ng lalaki, hindi siya pinipilit.

“May konting kargang ewan ang babaeng ‘yun! Para siyang may sariling mundo! Pero kapag ginanahan naman siya sa pagkukuwento, e, para siyang makinang ayaw magpahinga!

“Ang ganda pa naman niya, pati ang name niya, e, napaka-spiritual, pero ang ugali niya naman, e, isang malaking ewan! Mapanganib ang ganu’n, di ba? Paano kung hindi siya kilala ng matitiyempuhan niyang tao? Panganib ‘yun!” napapailing na kuwentong pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kaya hula na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending