‘Crying scene’ ni Arjo sa The General’s Daughter trending | Bandera

‘Crying scene’ ni Arjo sa The General’s Daughter trending

Reggee Bonoan - September 05, 2019 - 12:05 AM


HABANG nagtitipa kami kahapon ng kolum ay pinanonood namin sa iWant ang isang episode ng The General’s Daughter.

Habang nasa mediacon kasi kami ng pelikulang “G!” ay usap-usapan na mamatay na raw ang gumaganap na magulang ni Arjo Atayde (bilang si Elai) na sina Emilio Garcia at Maricel Soriano. Sobrang galing daw ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde sa kanyang mga eksena.

Oo nga, ang galing-galing ni Arjo sa eksena kung saan nag-dialogue ng “Bawal matulog, eh, si papa”, sabay singhot dahil tutulo na ang kanyang sipon sa kaiiyak habang ang kaliwang kamay ay nasa kaliwang mata. Hindi namin namamalayan nangingilid na rin ang luha sa mata namin.

Mukhang si Arjo naman ang isusunod ng salarin dahil sila ang malalapit sa puso ni Rhian Bonifacio (Angel Locsin) na gustung-gusto nang mahuli ng grupo nina Heneral Tiago (Tirso Cruz III) dahil sagabal sa lahat ng negosyo niya pati na sa kanyang kandidatura.

Malapit na rin namang magtapos ang TGD kaya isa-isa nang nawawala ang mga importanteng karakter sa kuwento.

Sakto naman dahil si-nimulan na rin ni Arjo ang taping ng Bagman 2 na ipalalabas sa iWant sa Nobyembre. Bago na ang role niya sa digital series na ito dahil isa na siyang go-bernador at marami ring bagong mukha ang papasok sa kuwento.

As of now ay isa ang Bagman sa most viewed digital series sa iWant habang nangunguna naman ang Past Present Perfect nina Shaina Magdayao at Vin Abrenica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending