Tisoy na male celeb ‘tukso’, tirador daw ng mga matrona | Bandera

Tisoy na male celeb ‘tukso’, tirador daw ng mga matrona

Cristy Fermin - September 03, 2019 - 12:45 AM

PALAGING pinagpipistahan sa mga umpukan ng mga becki ang isang guwapo at makinis na male personality dahil sa kanyang mga kakuwanan sa buhay.

Malakas kasi ang kanyang loob, wala siyang takot sa kanyang mga pinaggagagawa, para bang masayang-masaya pa siya kapag pinagkukuwentuhan ang kanyang katawan.

Kilala sa pagiging teaser ang guwapo at flawless na male personality, basta alam niyang meron siyang mapapakinabangan ay sige lang siya nang sige, pero may ibang kuwento naman ang malalapit sa lalaking personalidad.

Kuwento ng isang source, “Alam n’yo ba na napakabuti niyang anak at apo? Lahat ng pinaghihirapan niya, e, nauuwi sa pamilya niya. Siya ang inaasahan ng pamilya niya, kaya siya ganyan!

“Nakakaawa nga siya dahil dapat, e, ang father niya ang gumagawa ng lahat, kaso, may bisyo ang father niya, pasaway! Hindi na lang siya kumikibo, ginagawa niya na lang lahat-lahat ang mga magagawa niya!” umpisang chika ng aming impormante.

Maagang iniwan ng kanyang ina ang male personality, nakita niya naman ito nang lumaki na siya, kaya lumaki sa lola ang guwapong male personality.

Patuloy ng aming source, “Madalas na lumalabas ‘yung kuwento na tirador daw siya ng mga matrona. Totoong very close siya sa mga girls na may edad, pero hindi naman siya ‘yung tipong kakarelasyunin ang babae, kulang na lang siya sa mother image talaga.

“Ganu’n daw talaga ang mga lumaking walang nanay, kapag may nakikilalang medyo may edad na, sobrang nagiging close sila. Parang du’n lang siya nakakaramdam na kumpleto siya,” pagtutuwid uli ng aming source.

Naloloka lang ang mga becking magkakaumpukan kung bakit palagi siyang nagpo-post ng mga retrato ng kanyang katawan. Teaser na teaser ang kanyang dating, parang nang-iimbita siya, ganu’n ang basa ng mga becki sa kanyang ginagawa.

Sabi uli ng aming source, “Kasi nga, e, hindi siya complete. May malaking kulang sa buhay niya, kaya siya ganu’n na parang nang-iimbita ng attention.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hay, naku! Mahirap siyang maintindihan, hanggang hindi mo alam ang totoong kuwento ng buhay niya, e, huhusgahan mo talaga siya.

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, katunog ng malaking isdang balyena ang name niya,” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending