Hashtag Ryle walang pinaiyak na babae
MATALINO at marespetong sumagot si Hashtag Ryle Santiago sa mga tanong ng press tungkol sa kanyang personal life.
Hindi man diretsong umaamin o nagdedenay, may paraan ang binatang anak ni Sherilyn Reyes para makapagbigay ng detalye about his lovelife. Humarap sa media si Ryle para sa renewal ng kanyang kontrata bilang celebrity ambassador ng Megasoft Hygienic Products (para sa Cherub Baby Care: Baby Wipes, Baby Cologne, Baby Soap and Baby Powder).
Dito nga naitanong ang tungkol sa kanila ng Kapuso star na si Pauline Mendoza at ang naudlot na love story nila ng Kapamilya young actress na si Kira Balinger.
Ayon kay Ryle, totoong close sila ni Pauline, magkasama sila sa isang ineendorsong produkto at nagkakasundo rin sila sa maraming bagay.
“We have so much in common. Mga banda na gusto ko, gusto niya rin. So, palagi kami magkasama sa mga concert nila. Sabay kaming naghahabol ng gigs,” ani Ryle.
Pero aniya, “Hindi ko pa siya nililigawan. Hindi ko naman sinasabi na hindi ko gagawin o ginagawa ko na o hindi ko pa ginagawa, basta, natuto na ako sa ganyan.”
Hangga’t maaari ay nais niyang gawing pribado ang kanyang pakikipagrelasyon para iwas intriga na rin.
Basta naniniwala siya na hindi hinahanap ang lovelife, kusa itong dumarating.
Tungkol naman sa kanila ni Kira Balinger, hindi totoong pinaiyak niya ang dalaga at naiintindihan niya kung bakit kailangan itigil muna niya ang panliligaw dito, “She’s management favorite. She has a very bright future. Kung ayaw ng family niya, ayaw ng management, I have to respect. Hindi naging kami.
Niligawan ko, iyon na nga, kasi magka-complicate pa, e.”
“I understand completely kasi bata pa siya, e. I’m not saying na eventually in the long run, hindi magiging kami. She’s a very special person to me hanggang ngayon. Pero, kailangan niya munang mabuhay. Kailangan niya munang ma-experience ang life, and I can’t get in the way of it,” dugtong niya.
Samantala, sa ngayon mas gusto munang mag-focus ni Ryle sa trabaho. Bukod sa It’s Showtime at digital shows na One Music at Wander Jams (travel show), tuloy pa rin sa pag-aaral ang binata dahil pangarap talaga niya ang makakuha ng college diploma.
At ‘yan ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang pinagkakatiwaalan ng Megasoft Hygienic bilang endorser. Advocacy kasi ng kumpanya ang edukasyon at laging kasama si Ryle sa paglilibot ng Megasoft sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa kanilang “School is cool” campaign.
Ayon kay VP for Sales and Marketing ng Megasoft na si Aileen Choi-Go, bilib siya sa magic at karisma ni Ryle hindi lang bilang performer kundi bilang tao. Aniya, mahigit sa 30 shows na ang napuntahan nila sa loob lang ng isang taon at walong buwan.
“Ryle has a bubbly personality, always happy, optimistic and perky much like how our brand has been portrayed in the market. Clearly he is an embodiment of what we are looking for in our brand that is positioned to be an inspiration to all the students nationwide as we aim to reach our 100th school for Megasoft’s school is cool advocacy,” ani Ms. Aileen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.